Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Pagbabago sa patakaran sa isolation ng mga close contacts

Waziri Mkuu wa Australia Scott Morrison apokea amri ya kufutwa viza Novak Djokovic. Source: AAP Images

Tinalakay sa National Cabinet meeting ang bagong isolation rules at ligtas na pagbabalik eskwela ng mga bata sa gitna ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Naglabas ang pamahalaan ng listahan ng mga industriya kung saan papayagan ang mga close contact na makabalik sa trabaho kung magpapakita ng negative rapid antigen test result.

Kabilang dito ang empleyado ng - transport, freight and logistics, food logistics, healthcare and support, emergency services, law enforcement, correctional services, energy resources and water, waste management, food, beverage at iba pang critical good supplies (hindi kabilang ang hospitality), telecommunication, data, broadcasting at media.


 

Highlights

  • Binago ng National Cabinet ang isolation rules para sa mga close contacts.
  • Magkakaron ng mandato sa pagbibigay-alam ng resulta ng RAT sa mga health department
  • Mananatiling bukas ang mga paaralan, pamilihat at essential services ayon kay PM Morrison

 

Inanunsyo ng ACT health department nitong miyerkules na kailangan nilang isara ang kalahati sa PCR testing centres dahil sa di maiwasang problema sa supply.

Sa New South Wales, ang testing sites sa Sydney ay nagbawas na rin ng oras dahil sa kakulangan ng PCR tests

Sa Queensland, sinabi ni Premier Annastacia Palaszczuk mula Sabado, alisin na ang lahat ng state border requirements.

Pagmumultahin naman ng hanggang $5,000 ang hindi magrereport ng resulta ng RAT test sa Northern Territory ayon kay Chief Minister Michael Gunner

Sa South Australia, ang mga close contacts ng nag-positive sa COVID-19 ay makakatanggap ng dalawang libreng rapid antigen test kits mula sa health department.

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Pagbabago sa patakaran sa isolation ng mga close contacts 14/01/2022 06:01 ...
Maaari ba akong umapela sa aking landlord kapag nagtaas sila ng renta sa bahay? 24/05/2022 11:00 ...
Mga balita ngayong ika-24 ng Mayo 24/05/2022 11:12 ...
Magkakaibang nanalong kandidato babaguhin ang mukha ng parlyamento 24/05/2022 05:07 ...
Boses ng Bayan: Ano nga ba ang saloobin ng ating mga kababayan sa katatapos na pederal na halalan? 23/05/2022 09:45 ...
Mga balita ngayong ika-23 ng Mayo 23/05/2022 08:03 ...
Anthony Albanese nakatakdang maging ika-31 na punong ministro ng Australia 22/05/2022 05:00 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Mayo 22/05/2022 08:22 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Mayo 21/05/2022 06:28 ...
Mga paraan upang mapabuti ang kalusugan 20/05/2022 06:21 ...
View More