Panawagan ng ilan na gawing libre at sana'y madagdagan pa ang suplay ng Rapid Antigen Test sa bansa.
Nagsimula noong ika-24 ng Enero na tumanggap ang mahigit anim na milyong concession card holders ng libreng COVID-19 rapid antigen tests mula sa mga botika sa buong Australya.
Pero sa katulad ni Riza Morales na walang concession card, kailangan pa ding bumili ngunit mas mahirap anya ang makahanap ng mabibilhan.
Pakinggan ang buong ulat:
Highlights
- Ilan sa mga botika ang hirap sagutin ang mga tawag at tanong mga kustomer dahil kulang na din mismo ang mga staff.
- Ayon sa pederal na gobyerno, dadating ang dagdag na suplay ng test kits ngayong mga huling araw ng buwan para matugunan ang kakulangan.
- Ayon naman sa oposisyon, dapat ay libre at available ito sa lahat ng Australyano.
Bukod sa kakulangan ng suplay, ilan naman sa mga botika ang hirap sagutin ang mga tawag at tanong mga kustomer dahil kulang na din mismo ang mga staff.
Sa panayam ng SBS Arabic24 sa isang pharmacist sa Sydney na si Amir Daoud, dinagsa sila ng tawag noong Lunes.
"Yesterday, we got abused too many times. Some people understand when we tell them we so far don’t have the stock, and once it's available, we will announce it, as most pharmacies have a Facebook page, and even they use a sign once the free rapid antigen tests were available."
Ayon sa pederal na gobyerno, dadating ang dagdag na suplay ng test kits ngayong mga huling araw ng buwan para matugunan ang kakulangan.