Bibigyang pugay ang kasaysayan, tradisyon at kultura ng Australya mula noon hanggang ngayon.
Inihanda ng gobyerno ng ACT at National Museum of Australia ang temang Reflect, Respect at Celebrate sa pagdiriwang ng Australia Day.
Bukod sa mga dance performances at food stalls sa Commonwealth park, ipo-project din sa National Carillon ang mga litrato ng mga nakaraang tumanggap ng Australian of the Year Awards.
Pakinggan ang kabuuang ulat:
Highlights
- Maaring bisitahin ang National Museum of Australia, National Gallery of Australia at National Archives of Australia kung saan papailawan din ito ng mga kulay na halintulad sa campfire na simbolo para magsasama ang lahat at pagnilayan ang makulay ng kasaysayan ng bansa.
- Mahigpit na pinayuhan ng ACT Government ang mga dadalo na magsuot ng face mask at dumistansya ng 1.5m para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng Omicron sa Canberra.
- Magsisibalikan na sa kapitolyo ang mga politiko para sa pagbubukas ng Parliamentary sitting week ngayong taon sa ika-8 ng Pebrero.