Coming Up Tue 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Paggamit ng sunblock maaring magdulot ng kakulangan sa Bitamina D

Sunscreen use can prevent skin cancer, but there are concerns that it may increase the risk of vitamin D deficiency. Source: Attribution 2.0 Generic (CC BY 2.0), Vitamin D Deficiency, Flicker

Maaaring maiwasan ng paggamit ng sunscreen ang kanser sa balat, ngunit may mga alala na maaari nitong mapataas ang panganib ng kakulangan sa bitamina D.

"The only source of Vitamin D really is the sun. Kapag gumamit ng suncreen ang tao, bino-block nga nito ang UV rays but at the same time yung entry ng vitamin D para pumasok sa skin, na-bo-block kaya bumababa ang Vitamin D," ito ang pahayag ng GP na si Dr. Lorie de Leon na nakatutok sa kalusugan ng mga kalalakihan at kababaihan.


Highlights 

  • Ang araw ang pinakamahusay na pinagmumulan ng bitamina D ayon sa ulat ng Cancer council Australia ngunit kailangan din protektahan ang balat laban sa kanser.
  • Ang kakulangan sa bitamina D ay maaring magdulot ng iba't-ibang sakit tulad ng pananakit ng buto at kalamnan ayon sa GP na si Dr. Lorie de Leon.
  • Isa sa apat na Australyano ang Vitamin D deficient ayon sa ulat ng Australian Bureau of Statistics.

Makinig sa audio

Paggamit ng sunblock maaring magdulot ng kakulangan sa Bitamina D
00:00 00:00
 

Payo ni Dr. Lorie de Leon na mas maigi ang early sun exposure sa pagitan ng alas siyete at alas nuebe ng umaga dahil hindi pa gaanong mataas ang ultraviolet rays sa mga oras na ito.

Maari din umanong makakuha ng Bitamina D mula sa mga gatas na may Bitamina D o mula sa pag-inom ng Vitamin D supplement.

Ugaliin din ang pagpapa-check ng Vitamin D levels at gawin itong bahagi ng blood test maintenance lalo na sa mga nakatira sa estado ng Victoria kung saan mas konti ang araw.

"Mahalaga na ipacheck ang vitamin D pag ngapacheck sila ng cholesterol. Gawin itong bahagi ng blood test maintenance para malamn natin ano ang level natin. At kung halimbawa mababa ang vitamin D levels, kailangan ma-address yan."

Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan. 

Makinig sa SBS Filipino 10am-11am 

Sundan  Facebook for more stories

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Paggamit ng sunblock maaring magdulot ng kakulangan sa Bitamina D 13/05/2022 09:16 ...
Ilang Indigenous Australians, pinarangalan sa 2022 NAIDOC Awards 04/07/2022 04:51 ...
Mga balita ngayong ika-4 ng Hulyo 04/07/2022 14:11 ...
Mga balita ngayong ika-3 ng Hulyo 03/07/2022 09:53 ...
Mga balita ngayong ika-2 ng Hulyo 02/07/2022 05:04 ...
"Mateship" at "Bayanihan" ipagpapatuloy sa ilalim ng Administrasyong Marcos 01/07/2022 11:19 ...
Kahalagan bigyang prioridad ng mga kababaihan ang kanilang kalusugan 01/07/2022 07:54 ...
Mga pagbabago sa buwis mula ngayong Hulyo 2022 01/07/2022 07:20 ...
Mga balita ngayong ika-1 ng Hulyo 01/07/2022 06:50 ...
Ilang requirement sa pag-apply ng Temporary Graduate 485 visa, pansamantalang inalis 30/06/2022 09:05 ...
View More