Humingi ng pasensya ang SydPath sa naging pagkakamali sa mga resulta ng coronavirus test na sanhi ng paglipat sa manual notification system.
Hinihikayat naman ng New South Wales ang Queensland na baguhin ang mga requirement sa pagpasok sa kanilang border upang sa ganun ay mabawasan ang pressure sa mga COVID-19 testing sites.
Samantala inalis na ng Queensland ang kailangan na PCR test sa ikalimang araw mula ng pagdating sa estado para sa mga interstate visitors at ilang negosyo sa South Australia nagsara dahil sa ipinapatupad na mga bagong capacity restrictions.
Pakinggan ang podcast
Highlight
- Lubos na paghingi ng tawad ng SydPath sa mga maling lumabas na resulta ng COVID-19 test na sanhi ng isang data processing error.
- 486 na panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang natukoy mula sa 950 na naunang nabigyan ng negatibong resulta ng test.
- Pagbili ng 20-milyon na rapid antigen tests, kinumpirma ng NSW Premier, maaaring magamit ng publiko mula Enero.