Pumalo na sa lampas 500,000 ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa Australia mula nang magsimula ang pandemya at matapos makapagtala ng rekord na daily cases sa ilang estado kahapon, Martes.
Samantala ikinababahala naman ang kakulangan ng rapid antigen tests habang higit na pinalawig ang pambansang programa para sa booster shots. Milyon-milyong katao na ang pwede nang magpaturok.
Highlight
- Higit sa 537,000 na ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa Australia.
- Nakapagtala ang Victoria at New South Wales ng rekord na bilang ng daily infections.
- Pinintasan ng Australian Competition and Consumer Commission ang mga negosyo na nagtataas ng presyo ng rapid anti-gen testing kits.