Coming Up Mon 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Pagsagip ng lokal na komunidad sa isang Pilipinong chef sa rehiyonal Australia

Chef Warren Se Source: Supplied

Nakatanggap ng tulong ang isang Pilipinong chef sa Dubbo NSW mula sa kanyang lokal na pamayanan matapos na siya ay hindi muna pinapasok sa trabaho habang labis na tinamaan ng COVID-19 pandemic ang ekonomiya ng Australia.

Si Warren Se ay lumipat sa Australia mula sa Macau noong Nobyembre 2019 sa pag-asang mabibigyan ng mas mahusay na buhay ang kanyang pamilya. Makalipas ang limang buwan, nang idineklara ang pandemya, hindi na makayang suportahan ng chef ang sariling pang-araw-araw na pangangailangan at kasalukuyang nakakaraos sa tulong ng lokal na komunidad para sa pagkain at upa ng bahay.

Napilitan ang kanyang kumpanya na pansamantala siyang alisin sa trabaho matapos na inihayag ng gobyerno ng Australia ang coronavirus lockdown at nabawasan ang operasyon ng restawran na nag-aalok lamang ng take-away.

“Nung i-declare ang lockdown at sabi ng employer ko wala munang trabaho para sa'kin, sobrang hirap dahil may mga bayarin ako tapos mga nahiram ko at dalawang credit card para sa pagpunta ko dito (Australia),"  lahad ni Warren, "tapos kailangan ko rin magpadala sa pamilya ko, may seven-month old baby pa ako na naggagatas,”

Sa kabila ng kahirapan, nakakaraos si Warren Se kahit na "no work, no pay" siya ngayon sa tulong ng komunidad Pilipino-Australyano sa Dubbo pati na rin ang kabutihang-loob ng kanyang mga landlord na pumayag na huwag na munang magbayad ng upa sa bahay.


Mga Highlight

  • Libu-libong mga negosyo sa Australia ang napilitang magsara o bawasan ang kanilang operasyon bilang epekto ng mga paghihigpit sa coronavirus.
  • Inihayag ng pamahalaang Australia ang ilang mga pakete ng tulong kabilang ang $130 bilyong Jobkeeper program upang matulungan ang mga negosyong naapektuhan ng pang-ekonomiyang epekto dahil sa COVID-19 pandemic.
  • Maraming mga tao, tulad ng temporary-visa holder na si Warren Se, ang hindi magamit ang Jobkeeper program dahil hindi nila matugunan ang mga kinakailangang requirement.

Filipino chef
The kitchen is Warren Se's playground and comfort zone.
Supplied

Kabilang ang restawran na pinagta-trabahuan ni Warren Se sa libu-libong mga negosyo sa Australia na nahihirapan na makapagpatuloy sa kanilang normal na operasyon at mapanatili ang kanilang mga tauhan dahil sa mga paghihigpit kaugnay ng coronavirus.

Bilang pinakabago sa restawran, sa kasasamang-palad siya ang hindi nabibigyan ng anumang oras para magtrabaho.

Bagaman nalulungkot sa kanyang sitwasyon ngayon, masuwerte pa ring maituturing ang Pilipinong chef dahil pansamantala lamang siyang walang trabaho at hindi tinanggal sa kumpanya. Ito rin ang sentimyento ng kapwa Pilipinong chef na kasabayan nyang dumating sa Australya noong nakaraang taon. 

Filipino chefs
Warren Se (right) with five other Filipino chefs when they arrived in Sydney in November 2019.
Supplied

Nananatiling positibo si Warren na ang lahat ng ito ay lilipas din at babalik din ang lahat sa normal tulad ng dati.

"Medyo mabigat man ngayon ang sitwasyon ko at sobrang mas humirap, mas tumindi tumindi ang paniniwala ko sa Diyos dahil siya lang ang kinakapitan ko sa ngayon at siyempre sa mga taong tumutulong sa akin," pagtatapos ni Warren.

 

 

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Pagsagip ng lokal na komunidad sa isang Pilipinong chef sa rehiyonal Australia 27/04/2020 15:06 ...
Mga balita ngayong ika-3 ng Hulyo 03/07/2022 09:53 ...
Love Down Under: Is good cooking skills a path to one’s heart? 02/07/2022 18:26 ...
Mga balita ngayong ika-2 ng Hulyo 02/07/2022 05:04 ...
"Mateship" at "Bayanihan" ipagpapatuloy sa ilalim ng Administrasyong Marcos 01/07/2022 11:19 ...
Kahalagan bigyang prioridad ng mga kababaihan ang kanilang kalusugan 01/07/2022 07:54 ...
Mga pagbabago sa buwis mula ngayong Hulyo 2022 01/07/2022 07:20 ...
Mga balita ngayong ika-1 ng Hulyo 01/07/2022 06:50 ...
Ilang requirement sa pag-apply ng Temporary Graduate 485 visa, pansamantalang inalis 30/06/2022 09:05 ...
Census 2021 nakita ang paglawak ng multikulturalismo sa bansa 30/06/2022 07:53 ...
View More