Coming Up Thu 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Pagtulong at pagkalinga sa mga nangangailangang kababayan, misyon ng isang pastor sa Sydney

Source: Presbyter Olivia Liamzon

Para kay presbyter Olivia Liamzon, naging misyon na niyang tumulong sa mga nangangailangang kababayan.

Mula sa bansang Taiwan, Japan hanggang taong 2006 sumampa dito sa Australia ang 66 anyos na presbyter na si Olivia Liamzon,  siya ng   nangangasiwa ngayon ng  malaking simbahan na tinatawag na  Pentecostal  Missionary Church  of Christ dito sa Sydney.

Dahil nasa puso ang  pagmimisyon at pagbabahagi ang bibliya, sinuyod niya ang maraming lugar  dito sa Australia para lang maibahagi ang  salita ng Diyos. Hanggang sa nakilala niya  una ang isang Pinay na may mabigat na problema sa pamilya.

Mga myembro Pentecostal Missionary Church of Christ sa Sydney, Australia
Pagdiriwang ng Mother's day sa PMCC sa Sydney
Presbyter Olivia Liamzon

Hanggang sa nalutas ang problema at nabalik ang bumagsak na negosyo nito. Ang pagtatagpo palang ito ay ang magbubukas ng maraming oportunidad para mapalago ang kanyang misyon.

“After 3 days tumawag si Pastor, sabi niya, ang business ko  naibalik at binigyan ako ng  pagkakataon,  may bahay ako, ikaw ang titira dun kasi ikaw ang tumulong sa akin,” dagdag ni Liamzon.


 

Highlights

  • Panalangin at pananampalataya ang nagbubuklod sa myembro ng isang organisasyon sa Sydney
  • Ang bagong simbahan ay hindi lang lugar sambahan para sa mga migranteng Pilipino
  • Naging kanlungan din ang simbahan sa mga nangangailangang kababayan

 

Taon ang binilang , dumami ang kanyang mga miyembro at nakabili na din sila ng malaking lugar na pagpapatayuan ng simbahan. Aniya, biyaya ng Diyos, nakabili sila ng bagong lugar at pinatayuan ang building na nagkakahalaga ang apat na milyong dolyar na matatagpuan sa Cabramatta.

Dalaw  Kalinga Foundation Drive
Pamimigay sa mga nangangailangan
Presbyter Olivia Liamzon

Ang malaking simbahan ngayon ay ginagawang  lugar di lang para sa pagsamba. Naging kanlungan din ito ng mga walang matitirhan lalong lalo na sa ating mga kababayan.

Tinutulungan din nila ang may problema sa visa at mga kaso ng domestic violence. Nakasalalay sa gawain ang buhay ang tao. Nagpapasalamat naman si Jhudy Zata  dahil binigyan sila ng pastor na talagang may pagmamahal sa gawain ng Diyos at may malasakit sa kapwa. 

"Hindi siya nagkulang sa pag-aalaga at pagtuturo sa amin, " kwento ni Jhudy.

Mga gawain ng Pentecostal Church of Christ sa Sydney, Australia
Presbyter Olivia Liamzon

Sa ngayon merong ng kulang kulang isang libong myembro ang simbahan sa buong Australia. Pinapangasiwaan na din ni presbyter Liamzon ang mga simbahan sa New Zealand , Fiji at Papua New Gunea. Wala mang masasabing sariling pamilya si Presbyter Liamzon,  ngayong inaalay na niya ang kanyang buong buhay sa misyon. Malaking kaligayahan na umanong makita nya marami syang natutulungan.

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily

Follow us on Facebook for more stories

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Pagtulong at pagkalinga sa mga nangangailangang kababayan, misyon ng isang pastor sa Sydney 10/05/2021 04:20 ...
Petisyon para makapasok mga magulang sa Australya inihain sa Senado 16/06/2021 08:16 ...
Pagpasok sa mga 'selective school' sa Australia 16/06/2021 11:42 ...
Mga balita ngayong ika-16 ng Hunyo 16/06/2021 09:49 ...
Melbourne chef nabuwag ang PR plan, lumipat ng Regional WA 15/06/2021 07:17 ...
Mga balita ngayong ika-15 ng Hunyo 15/06/2021 11:13 ...
Mga balita ngayong ika-14 ng Hunyo 14/06/2021 13:28 ...
Atake sa puso: Numero unong sanhi ng pagkamatay sa Australia, eksperto may babala 14/06/2021 06:42 ...
Mga balita ngayong ika-13 ng Hunyo 13/06/2021 04:36 ...
Ika-123 taon ng Kalayaan ng Pilipinas, ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Australia 12/06/2021 12:10 ...
View More