Coming Up Mon 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Pangako ng magandang kinabukasan sa rehiyonal NSW para sa isang dating Pinoy chef

Former chef in the Philippines and cruise ship crew Mark David before migrating to regional NSW as a cook. Source: Supplied by Mark David

Maraming Pilipino skilled workers ang sumusubok na makarating sa Australia bawat taon para sa mas magandang buhay, hindi alintana ang mga hamong kakaharapin. Tulad na lamang ni Mark Anthony David na napadpad bilang isang cook sa regional New South Wales.

Itinuturing ng dating chef na siya’y maswerte na nakarating Australia bago pa magpandemya. Nabigyan si Mark David ng Subclass 457 Skilled visa noong 2018 bilang isang cook sa Tamworth, isang rehiyonal na lugar sa hilagang kanlurang New South Wales.

"Maswerte ako na nakapasok ako sa Australia bago mag-pandemic at isa ako sa huling batch ng skilled workers na nabigyan ng 457 visa bago ito alisin at palitan ng subclass 482," kwento ng dating chef sa Pilipinas.

 

 

Pakinggan ang podcast dito

Pangako ng magandang kinabukasan sa rehiyonal NSW para sa isang dating Pinoy chef
00:00 00:00


Highlights

  • Sa taong 2016-2020, humigit kumulang 5,000 Pilipino ang nabigyan ng temporary skilled visa bawat taon.
  • Mga registered nurse, welders, software programmers, mekaniko, mga cook at chef at farmers ang pangunahing trabaho ng mga Pinoy na naka-workers visa.
  • Pinili ng cook na si Mark David ang Australia dahil sa mas malaking sahod, benepisyo ng health care at madala ang kanyang magulang kapag siya'y PR na.

 


Regional NSW
The thought of a better life and being able to help his family have kept former chef Mark David to shoulder on and keep going as a cook in regional NSW.
Supplied by Mark David

Pangarap na permanent residency

Nagpalipat-lipat man ang tubong- Cavite ng kanyang trabaho para sa makahanap ng tamang kumpanya na magbibigay sa kanya ng suporta para maging permanent resident ng Australia, malaking pasalamat pa rin ni Mark na patuloy siyang may trabaho sa rehiyonal NSW.

Australia ang napiling bansa ni Mark para mag-migrate dahil batid niya "ang mas mataas na pasahod sa tulad niyang cook o chef sa Australia kumpara sa ibang bansa sa Asya Pasipiko". 

"Nariyan din ang mga benepisyo o tulong na maaaring ibinigay ng gobyerno sa kanilang mga mamamayan at pagkakataon na makasama ang kanyang mga magulang kung siya ay maging permanent resident o citizen na," ani Mark.

Sa taong 2016-2020, humigit kumulang 5,000 Pilipinong manggagawa ang nabibigyan ng temporary  visa bawat taon.

Bukod sa mga cook at chef, kasama din sa mga manggagawa mula Pilipinas na nabibigyan ng Australian temporary working visa ang mga nars, welders, mga mekaniko, software programmers at mga magsasaka.

Umaasa ang cook mula Central Coast na nitong 2022 ay unti-unting matupad ang pangarap niya na permanent ang paninirahan sa Australia.

Magtiyaga para sa pangarap

Hindi man naging madali para sa dating cruise ship crew ang unang mga buwan niya sa regional NSW batid niya na sa huli ay maganda ang kanyang aanihin mula dito.

"Sobrang nanibago ako sa weather, lalo nung pagdating ko sa Tamworth ay tag-init at grabe ang tindi ng temperature."

Bukod sa init ay malayo pa ito sa nakasanayan niya na buhay sa siyudad. "Napakatahimik ng Tamworth at isa rin siyang farming region," dagdag pa ni Mark. 

Mula Tamworth, lumipat ang cook sa Newcastle bago ang kanyang kasalukuyang trabaho sa Central Coast.

Mas maayos na ngayon ang lagay ni Mark sa kanyang pinagta-trabahuang cafe sa Avoca Beach.

Mark David temporary skilled workers visa
From being a chef in the Philippines to working in a cruise ship, Mark David now enjoys working in a more laidback location in Central Coast in NSW.
Supplied by Mark David

Naniniwala ang 30-anyos na sa kabila ng hamon ng bagong lugar at malayo sa pamilya. kailangang maging matatag para maabot ang pangarap

“Nalungkot din ako kasi hindi ko kasama ang pamilya ko pero nagtiyaga lang din ako at inisip ko na lang na titiisin ko lang ang lahat dahil ang bawat hamon ay malalampasan at mapagtatagumpayan din natin.”

Sa mga katulad niya na nangangarap na manirahan sa Australia, payo ni Mark na hintayin ang tamang pagkakaton para sa kanila. Darating at darating din ito.

“Ngayon na kahit paano ay bukas na uli ang border ng Australia, may chance na rin para makapag-apply at makapunta rito [Australia].

“Pokus lang kayo sa goal ninyo at kung ano ‘yung pangarap ninyo na matupad. Alam naman natin na mayroong mga hirap na dadanasin tayo pero tiyaga lang, maabot din natin yan," pagtatapos ng binata.

BASAHIN DIN

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Pangako ng magandang kinabukasan sa rehiyonal NSW para sa isang dating Pinoy chef 18/01/2022 11:46 ...
Mga balita ngayong ika-29 ng Mayo 29/05/2022 06:51 ...
Mga balita ngayong ika-28 ng Mayo 28/05/2022 07:05 ...
Indiginoy Episode 1: Ang pag-iisang dibdib ng Katutubo at Pilipino 27/05/2022 16:06 ...
Mga paraan upang manatiling malusog ang pag-iisip sa pagtanda 27/05/2022 10:26 ...
Bataan Nuclear Plant isinasaalang-alang ng Administrasyon Marcos 27/05/2022 08:00 ...
Gusto magtrabaho sa Australia pero walang sponsor? Alamin kung anong visa ang naayon sa iyo 27/05/2022 10:38 ...
Pagtaas ng presyo ng kuryente, inaasahan na 27/05/2022 04:55 ...
Mga balita ngayong ika-27 ng Mayo 27/05/2022 07:54 ...
Australya nakapagtala ng unang kaso ng monkeypox 26/05/2022 06:16 ...
View More