Paano mo ipinagdiriwang ang Pasko na malayo sa pamilya at wala sa iyong sariling tahanan?
Ramdam ng mga Pilipinong mag-aaral sa New South Wales ang totoong diwa ng Pasko kasama ang mga kapwa mag-aaral na Pinoy habang ibinabahagi nila ang kanilang oras at maging sarili nilang tahanan upang ipagdiwang ang masayang panahon na ito.
Inayos ng Filipino Student Council of New South Wales at ng mga kaakibat na samahan ng mga Pilipinong mag-aaral ang ilang pampaskong pagtitipon para sa mga miyembro nito upang madama pa rin nila ang kanila na tila nasa sariling bayan habang sila ay malayo sa kanilang mga pamilya at nasa Australia ngayong Pasko.
Ang istilong boodle-fight na tanghalian ay sikat sa hanay ng mga Pilipinong mag-aaral upang ipagdiwang ang Pasko sa NSW. Ang Kamayan, ang tradisyunal na paraan ng pagkain ng mga Pilipino - gamit ang kamay sa pagkain, ay ang paraan upang gawin ito.
Ibinahagi ng mag-aaral na si Lisette Isles mula sa Western Sydney University at ang nakabase sa Sydney na si Katrina Lopez mula sa Macquarie University ang iba't ibang paraan ng kani-kanilang mga samahan sa pagdiriwang ng Pasko.
Listen to SBS Filipino 10am-11am
Like and Follow on Facebook