Coming Up Mon 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Pinoy para-badminton player, bida sa Australya

Source: Para-badminton Australia

“Naaksidente ako noon sa trabaho. Napagitna ako sa forklift at truck na parang na-sadwich ako.” Ito ang di makakalimutang karanasan ng 28 anyos na dating professional trainer at empleyado ng isang logistics company na si Kenneth Adlawan o kilala bilang Ken dito sa Sydney, Australia.

Dahil dito,  muntik na siyang  mamatay at kinakailangang putulin ang kanang paa  at kabitan ng artificial leg o prosthetics. Pero imbis na panghinaan ng loob, naging susi ito para magpursige at hanapin ang kanyang tunay  na misyon sa buhay.  

"They actually tried to save my leg for 3 hours in the operation theatre, but I was in a critical condition. Dun pa lang sa work site, I've lost roughly 40 percent of my blood. I was taken to Liverpool Hospital and when they operated me they had to make a decision to amputate my leg," kwento ni Ken.

 


Highlights

  • Dahil sa aksidente, kinailangang putulin ang paa ni Ken at kabitan ng artificial leg
  • Hindi sumuko si Ken at nabuhayan siya loob nang masubukan niyang maglaro ng badminton
  • Kabilang si Ken sa mga naglalaro para sa bansa at kasalukuyang pinaghahandaan niya ang nalalapit na Paralympics

“I still have purpose in life. I'm happy I'm still here. Para sa akin, 50/50 chance is critical , 3 percent chance of living is a miracle."

Tubong Lapu- Lapu city, Cebu si Ken. Dumating siya kasama ang  mga magulang sa Australia noong 15 taon pa lang ito. Kaya sa pagsubok na  naranasan, malaking ambag umano ang pagmamahal sa pamilya  at sa Diyos sa kanyang muling  pagbangon.

“I haven't forgotten my roots. I think that’s what is keeping me alive. When the accident happened, I accepted right there and then. Naputol na ito. I asked myself, what now?, what's next? Nanalig na lang ako sa Diyos.”

Hilig na ni Ken ang basketball, long jump at boxing. Pero matapos ang aksidente, aminado itong iba na ang takbo ng kanyang paglalaro. Kaya nang magyaya ang kaibigan sa badminton, kahit di niya gusto sa umpisa, kanya lang itong sinubukan.

“When I saw a really good player that’s when my mentality changed. I realised, playing badminton is a good way to release stress. Akala ko madali lang ang badminton, nagkamali ako.”

Di naman  nabigo si Ken dahil ito pala ang hinahanap niyang sagot sa maraming tanong kung paano ipagpatuloy ang buhay na makapagbigay ng inspirasyon sa sarili  at sa ibang taong katulad nya.

“I like the challenge. After 9 months of training, that’s when I started to consider to play for a country.

"Tinawagan  ako ng Badminton Australia. I got a sponsorship from them. They gave me coaching sessions twice a week, for free."

Sa ngayon, patuloy ang paghahanda  ni Ken kasama ang iba pang atleta  na kabilang sa  team ng  Badminton Australia para sa mga laban dito sa bansa sa darating na Oktubre.

Pinaghahandaan din nila ang  laro sa  Oceania at sa 2024 sa Paris, pero pinaka-target ng grupo ang makapaglaro sa susunod na Paralympics.

Meron ding payo si Ken sa gaya niyang sinubok ng panahon at hanggang ngayon patuloy ang pakikipaglaban. Aniya, wala umanong shortcut sa pagbangon ang importante, patuloy ang pakikipaglaban.

“I felt depressed for a long time, I was diagnosed with PTSD. We should try to talk to the people close to us, don’t hold back because it won't help. Never make an excuse and never give up. We only have one chance to live.”

Ito din ang din ang dahilan, na  kahit kailan di kinahiya  ni Ken ang kanyang kapansanan. Bihira lang  din kung makita siyang may suot na pantalon dahil may mensaheng dala ang  kanyang prosthetics.

”I don't wear long pants a lot. I want people to see me as I am, wearing prosthetics."

"Yes, I'm an amputee. I'm not hiding it. I'm proud of it," aniya. 

Ngiting tagumpay ng pamilya ni Kenneth Adlawan
Masayang pamilya ni Kenneth Adlawan
Kenneth Adlawan

Nagpapasalamat naman ang asawa ni Ken na si Gillie dahil lumaban ang asawa para sa kanila at sa kanilang tatlong mga anak.

“Ako yong unang super proud sa kanya. Kahit gaano kahirap pinagdaanan namin, hindi siya tumigil hanggang nakatayo na siya. Hindi pa tapos ang laban niya, pero it proves na nothing cannot be solved.” 

Maliban sa pinaghahandaang mga laban  ni Ken sa para-badminton, plano din nitong subukang maging coach ng badminton. Dahil gusto niyang matulungan silang tulad nya na minsa’y nadapa, pero nakabangon at handa na ngayong harapin ang anumang hamon sa buhay.

ALSO READ/LISTEN TO

Listen to  SBS Filipino  10am-11am daily 

Follow us on  Facebook  for more stories

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Pinoy para-badminton player, bida sa Australya 19/04/2021 09:19 ...
Mga balita ngayong ika-16 ng Mayo 16/05/2021 07:23 ...
Australia umangkat ng 25 milyong doses ng Moderna vaccine 16/05/2021 06:14 ...
Mga balita ngayong ika-15 ng Mayo 15/05/2021 10:32 ...
Mabagal na roll-out ng bakuna sa ilang lugar nireklamo 14/05/2021 07:22 ...
Mga balita ngayong ika-14 ng Mayo 14/05/2021 09:45 ...
Tiis-tagumpay na karanasan ng isang international student sa Australia 13/05/2021 06:01 ...
Libreng English classes para sa mga migrante 13/05/2021 08:04 ...
Balita ngayon ika 13 ng Mayo 13/05/2021 11:33 ...
Tulong para sa mga kababaihan sa pampederal na budget 12/05/2021 16:31 ...
View More