Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Queensland bukas na ang border para sa Australians na kompleto ang bakunado

Motorists passes through a border control checkpoint at the QLD/NSW Border, Coolangatta, Monday, December 13, 2021. Source: AAP Image/Russell Freeman

Matapos ang halus 230 na araw na sarado ang Queensland sa buong bansa, binuksan na nito ang border para sa mga kompleto na ang bakuna. At kasabay ng pagbubukas ng estado ng Queensland, inanunsyo na din ng Western Australia ang petsa ng pagsantabi ng restriksyon sa susunod na taon.

Libo-libong Australians ang bumabyahe papuntang Queensland matapos buksang muli ang kanilang border kahapon Disyembre  a-trese, para sa lahat ng mga kompleto na ang bakuna. Umabot sa halus 230 na araw itong sarado sa buong estado at teritoryo dahil sa pandemya.

Ang mga residente mula New South Wales, Victoria at  A-C-T ay hindi na kailangang mag-quarantine, pero dapat magbigay ng Covid-19 negative test result, may dalang border pass at kailangang magpatest muli sa pang-limang araw habang nasa Queensland.

Tens of thousands of people are heading to Queensland by air and road after the state opened its border
00:00 00:00


 

Highlights

  • Australia bukas na ang international border sa Disyembre 15
  • Western Australia bubuksan ang border sa Pebrero 5, 2022
  • ATAGI aprobado na ang Moderna para sa booster shots mula  edad 18 pataas

 

Panawagan ni Queensland Acting Chief Superintendent Rhys Wildman, huwag kalimutan ang border pass, magbaon din ng mahabang pasensya kapag babyahe papasok sa border dahil seguradong bumper to bumper ang mga sasakyan at maraming tao.

"Kung bakunado ka  XV passat kapag kompleto ang bakuna at galing hotspot areas GV pass,  kailangang naka-display sa sasakyan. Kami naman mga pulis ay handang tumulong at maganda itong balita sa lahat."

Samantala inanunsyo na ni  Western Australia Premier Mark McGowan na aalisin na nila ang estriktong restriksyon sa estado ngayong umabot na sa 80 percent ang vaccination rate.

Ibig sabihin matutuloy na ang muling pagbubukas ng border sa  5 Pebrero, kung saan 90 porsyento na ang vaccination rate.

At sa pagkakatong ito, tatanggapin na din nila ang mga international arrivals pero kailangan kompleto ang bakuna. Dahil wala ng quarantine para sa kanila,  kailangan lang na magpakita ng negatibong Covid test result bago lumipad at pagdating sa estado.

At lahat ng ito ayon kay McGowan ay base sa abiso ng mga eksperto.

"Base sa payo ng eksperto dahil nasa 80 percent na ang vaccination rate, pwede nang simulan ang transisyon at dahan-dahan ng isantabi ang restriksyon simula 5 Pebrero."

Bukas, Disyembre A-kinse itinakda na ng gobyerno na tuluyan ng buksang muli ang international border ng bansa, matapos ipinagpaliban ito noong A-uno ng Disyembre dahil sa gustong pag-aralan pa ng mga eksperto ang katangian ng Omicron variant.

Kabilang sa makakapasok sa bansa, ay ang humanitarian visa holders, mga temporary visa holders  gaya ng Skilled workers,  working  holidaymaker, provisional family at ang daan-daang libong international student visa holders.

Samantala sa ilang araw na pagpupulong ni Australia Prime Minister Scott Morrison at South Koran President Moon Jae-in dito sa bansa,  kasama sa sasalubungin ang higit 20,000 international students mula Korea.

"Ikinagagalak nating makita na babalik na sa sigla ang turismo at negosyo. At sa wakas makakapasok na ng mga migrant workers  sa Disyembre 15.  Kasamang darating ang mga estudyante  mula Japan at Korea."

Sa kabila ng nagbabadyang peligro na dala ng Omicron variant, kampante na inanunsyo ni Health Minister Greg Hunt na sapat ang kanilang supply para sa booster shots, kahit pa gawin ito ng mas maaga.

Kinumpirma na din ng Australian Technical Advisory Group on Immunisation o ATAGI, na maari ng ibigay ang pangatlong dose o booster shots sa mga residente  matapos ang limang buwan, mula sa pangalawang dose.

Gagamiting bakunang gamot ang Moderna At Pfizer para sa mga may edad dise-otso pataas.

Dagdag ni Hunt aabot sa 151 milyong vaccine doses ang itinabi nila para sa booster shots.

" Ang ginamit nating vaccines ay epektibo laban sa Covid-19 at nakita natin marami ang nasalba ang buhay at hindi naging malubha ang mga tinamaan ng virus. Ngayong may Omicron, aprobado ng ATAGI mga gamot para sa booster shots."

Sa pinakahuling ulat, umabot sa 536 na panibagong kaso ng Covid-19 ang naitala sa New South Wales at walang kaso ng pagkamatay, habang sa Victoria pumalo sa 1,290 panibagong kaso kada araw  at 2 ang namatay.

Samantalata inanunyo ni  Northern Territory Acting Chief Minister Nicole Manison ang babala sa mga nasa regional na komunidad,  na posibleng magdeklara sila ng “lockout” sa susunod na mga araw. Ibig sabihin, isasailalim sa lockdown silang mga hindi pa bakunado, matapos nakitaan ng virus ang ilang wastewater sa lugar.

Sa huling ulat, nakapagtala ng 16 na panibagong kaso ang teritoryo.

Bagay na ikinabala ni Manison dahil 5 lang ang nagpatest mula sa lugar ng may nagpositibo ng Covid-19,  kagaya ng Tennant Creek.

" Kapag hindi sila tumugon sa panawagan namin, posible ipapatupad namin ang lockdown sa hindi bakunado sa mga komunidad na ito. At gusto kung maghanda sila sa susunod na mga araw."

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Queensland bukas na ang border para sa Australians na kompleto ang bakunado 14/12/2021 08:05 ...
Maaari ba akong umapela sa aking landlord kapag nagtaas sila ng renta sa bahay? 24/05/2022 11:00 ...
Mga balita ngayong ika-24 ng Mayo 24/05/2022 11:12 ...
Magkakaibang nanalong kandidato babaguhin ang mukha ng parlyamento 24/05/2022 05:07 ...
Boses ng Bayan: Ano nga ba ang saloobin ng ating mga kababayan sa katatapos na pederal na halalan? 23/05/2022 09:45 ...
Mga balita ngayong ika-23 ng Mayo 23/05/2022 08:03 ...
Anthony Albanese nakatakdang maging ika-31 na punong ministro ng Australia 22/05/2022 05:00 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Mayo 22/05/2022 08:22 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Mayo 21/05/2022 06:28 ...
Mga paraan upang mapabuti ang kalusugan 20/05/2022 06:21 ...
View More