Damit ang muling nangunguna sa listahan ng mga Australyano na kanilang bibilhin sa mga Boxing Day sales nitong linggo. Tumataginting na $4-bilyon ang inaasahan gagastusin ng mga mamimili ngayong mismong Disyembre 26.
Mukhang nasabik ang mga Australyano sa pamimili sa mismong mga shops matapos ng halos dalawang taon na 'on-and-off' na mga paghihigpit dahil sa coronavirus.
Tulad na lamang ni Jigs Geminiano na bibiyahe pa mula Central Coast patungong Sydney para makipagsabayan sa mga Boxing Day sales. Para kay Jigs, pangunahin din sa mga pangangailangan ng tao na kailangang matugunan ang mga damit.
"Naka-sale lahat ang halos lahat lalo na ‘yung mga pangangailangan gay ana lamang ng mga damit pantrabaho gaya ng mga longsleeves," aniya.
Pakinggan ang podcast
Highlight
- Inaasahang gagastos ng $21-bilyon ang mga Australyano sa kanilang pamamili sa mga Boxing Day sales nitong buong linggo.
- $4-bilyon ang inaasahan na kikitain ng mga retailers nitong mismong Boxing Day lamang.
- Mga damit, apparel, sapatos at technology ang nangungunahan sa listahan ng mga bibilhin mula sa mga sales.
Maging wais sa pamimili
Ayon sa arkitekto na si Jigs Geminiano, hindi naman ibig sabihin na kailangang "mag-waldas ng malaking halaga ng pera kapag namimili tuwing Boxing Day."
Dagdag niya na "dahil nga naka-sale ang halos lahat ng mabibili, malaking katipiran na ito dahil hindi mo kailangang magbayad ng full price ng mga bilihin".
"Bilhin mo lang ang tunay mong kailangan," pagbibigay-diin ng tubong-Pangasinan na architect.
Piliin na mamili online
Kung may mga matitiyaga na makipagsabayan sa paghahanap ng mga bargains, online shopping naman ang sagot ng ina mula Marsden Park, New South Wales na si Myra Montarde.
Bagaman susubukan ni Myra na magtipid ngayong Boxing Day, bago pa man ang araw na ito ay sa online na siya namimili.
Dahil na rin sa kakapanganak lamang ni Myra sa kanyang pang-apat na anak sa kalagitnaan ng 2021, mahirap pa umano para sa ginang na maglalabas.
"I do most of my shopping online nowadays. I don't want to join the crowd given Covid-cases are continuing increasing," anang ng ginang na siya ring businessowner ng The Ranch Cafe Bidwill sa kanlurang Sydney.
Tips sa inyong pamimili
Ilang practical tips naman ang ibinagi ni Marco Antonio Tamayo para mga Boxing Day spenders.
1. Maglista ng mga kailangang bilihin.
2. Isama sa bibilhin ang mga pagkain.
3. Ihuli ang mga apparel o iba pa na hindi mahalaga.
BASAHIN DIN