Coming Up Sun 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

"Tinapalan lang ng isang libong piso, nawala na ang sakit ng ulo ni Nanay": Selebrasyon ng Mother's Day

Source: Getty images

Sari-saring paraan ng selebrasyon at pagpapasaya sa mga Nanay noong Mother's Day

Gasgas man na sabihin pero sana araw-araw mother’s day, eto ang bukang bibig ng singkwenta y dos anyos na si Nanay Emy na naninirahan ngayon sa Brisbane kasama ang kanyang anak na lalake.

Kahapon kasi isang magarang sasakyan ang pumarada sa harapan ng kanilang bahay. Ang akala niya ay bagong tenant ang driver. Pero nang bangitin nito ang kanyang pangalan laking gulat niya ng sabihin nito na kanya pala ang sasakyang iyon.

 

car as a Mother's day present
Getty Images/ Kotlyarn

Binili ng kanyang anak bilang regalo ngayong mother’s day.ang problema wala pa siyang lisensya. Ayon kay emy, obligado ngayon siyang mag-aral magmaneho.gusto na rin kasi niya dahil nabuburyong na siya sa bahay at nahihirapan na rin mag commute.

Dito sa Queensland, sari -saring kwento ng pagmamahal at selebrasyon ng Mother’s day ang makikita sa social media. Kapansin pansin na punuan ang mga restaurant sa bayan, kanya-kanyang kuha ng larawan.

Dahil araw din ng mga nanay, puno din ang mga saloon, may nagpapakulay ng buhok, nagpapakulot, gupit, pedicure at manicure.

Naging daan naman ang araw na ito para muli mabuo ang pamilya ni Joy hindi niya tunay na pangalan mula sa Mackay  may isang taon na kasing hindi sila nag iimikan ng kanyang biyenan.

Nagtampo kasi ang kanyang biyenan ng sitahin niya ang ginagawang pagsusubo ng pagakain sa kanyang tatlong taong gulang na anak gamit ang kamay nito. Aniya iniingatan lamang niya ang kanyang anak, ayaw kasi niya na magkasakit ito, bagay na hindi umano naunawaan ng kanyang biyenan. Simula noon ay hindi na sila nagkibuan.

Kwento ni joy nang magkita sila nito sa isang restaurant ay nagyakap na lamang sila na tila walang nangyari sabay bigkas ng happy mother’s day sa isat isa.

Nagkakaubusan na din halos ng mga boquet ng bulalak sa mga shop, dahil sa dami ng bumibili, yung iba naghintay ng gabi para bagsak presyo na ang halaga, katunayan may roong tig 75 cents ang isang bouquet, konting ayos lamang at maganda pa rin naman.

 

mother's day celebration
Getty images

Tiyak relate ka din, dahil sigurado nagpadala ka din ng pera sa nanay mo na nasa Pilipinas.

May pabulaklak, at pa boodle fight ang mga pamilya, tiyak usoks din  ang mga video calls , masaya ka nang makita ang pamilya sa pilipinas na buo at sama -sama lalo na sa mga ganitong okasyon.

Ibat-ibang paraan ng pagpapasaya sa mga nanay, mayroong hawak ang noo dahil sumasakit daw, pero ng tapalan ang noo ng lilibuhing pera ay agad na nawala ang sakit maging ang rayuma bagay na mayroong nagsasabi na totoo at scripted lamang. Anupaman ang mahalaga ay masaya si nanay.

Philippine peso remittance to Philippines
Getty images

Kung may iba na nag celebrate sa labas, mayroon naman na nagluto na lamang sa bahay at doon nagsalu-salo.

Labis naman na naantig ang damdamin ng isang lola na si Teresita nang bigyan siya ng isang papel ng kanyang apat na taong gulang na apo, laman ang mensahe ng pagmamahal at pagpapasalamat sa pag-aaruga nito sa kanya. Mali-mali man ang spelling pero umukit sa kanyang puso ang nilalaman ng mensahe.

Nariyan ang pagpapasalamat sa pagluluto, pagpapaligo, pagpapakain at pamamasyal sa playground, pero humagalpak siya ng tawa dahil sa huli nakasaad ang lola can you please buy me toys, bagay na alam niyang hindi niya matatangihan.

Sa huli may regalo man o wala, mahalaga lamang naman sa isang ina ay masaya at nagmamamahalan ang kanyang pamilyang  binuo.

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
"Tinapalan lang ng isang libong piso, nawala na ang sakit ng ulo ni Nanay": Selebrasyon ng Mother's Day 11/05/2021 04:24 ...
Ika-123 na taong kalayaan ng Pilipinas, ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Australia 12/06/2021 12:10 ...
Mga balita ngayong ika-12 ng Hunyo 12/06/2021 08:23 ...
Senior Moments at pag-alaga sa seniors, minsan nakakasakit ang sobrang pagmamahal 11/06/2021 14:17 ...
COVID-19 cases sa Mindanao at Visayas inaasahan patuloy ang pagtaas 11/06/2021 06:21 ...
Mga balita ngayong ika-11 ng Hunyo 11/06/2021 10:39 ...
Pagbabalik ng mga international student sa NSW, malawakang suportado 11/06/2021 05:56 ...
Maraming migrante umaalis ng Australya 10/06/2021 08:04 ...
Mga balita ngayong ika-10 Hunyo 10/06/2021 11:08 ...
Pagka-malikhain habang nasa quarantine: Filipino artist gumamit ng mga patapon na bag na papel bilang kanyang canvass 09/06/2021 11:52 ...
View More