Panalo sa Eurovision Song Contest ngayong taon ang Ukrainian band na Kalush Orchestra para sa kanilang awitin 'Stefania'!
Pakinggan ang audio:
Nakuha ng banda ang pinakamalaking boto mula sa publiko sa puntos na 631.
Pumangalawa naman ang United Kingdom sa puntos na 466. Pangatlo ang Spain sa 459 na puntos.
Samantala nakapasok naman sa finals ang pambato ng Australia na si Sheldon Riley para sa kanyang emosyonal na pagkanta ng awitin na "Not the same". Sa huli, nagtapos ito na pang-15 na may 125 na kabuuang boto.
Mapapanood ang grand final sa SBS mamaya, 7:30 ng gabi [Mayo 15] at may replay sa SBS Viceland mula tanghali bukas, Mayo 16.