Coming Up Fri 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

'Warrangu' sa Vivid Sydney: Mga hinaing kaugnay ng mga ilog sa NSW ibabahagi ng Pilipino-Aboriginal rapper na si Dobby

In 'Warrangu', music written and composed by Dobby, people will hear about the plight of the important rivers in NSW. Source: Renae Saxby as supplied by Dobby

Gamit ang musika, patuloy na isinusulong ng Pilipino-Aboriginal rapper na si Dobby ang mahahalagang isyu na nakaapekto sa mga Katutubong Australyano. Nitong Hunyo, bilang bahagi ng Vivid Sydney, hatid niya ang mga hinaing kaugnay ng kalagayan ng mahahalagang ilog sa NSW.

Pakinggan ang audio

'Warrangu' sa Vivid Sydney: Mga hinaing kaugnay ng mga ilog sa NSW ibabahagi ng Pilipino-Aboriginal rapper na si Dobby
00:00 00:00


Highlights

  • Pilipino-Aboriginal rapper na si Dobby tuloy sa paggawa ng musika at pagsulong sa mga isyu mahalaga sa mga katutubo.
  • Tampok sa 'Warrangu' ang mga hinaing sa kalagayan ng mga ilog sa NSW.
  • Nitong Mayo 27 - Hunyo 18, matutunghayan ang iba't ibang ilaw, musika at palabas na handog ng Vivid Sydney.

'Warrangu' tampok sa Vivid Sydney

Sa kanyang gagawing palabas na may titulong 'Warrangu', hangad ng Filipino-Muruwari rapper na higit na mamulat ang mga tao tungkol sa tunay na kalagayan ng mga ilog sa NSW.

Ang 'Warrangu' ay isang koleksyon ng mga awitin na sinulat at binuo ni Rhyan Clapham na mas kilala sa industriya ng musika sa pangalang "Dobby".

"This project is a story about Brewarrina, but also all the towns that connect to the interconnected rivers," pahayag ni Dobby.

Warrangu by Dobby
'It's a story about the interconnected rivers – the Barwon River, Culgoa River and the Bogan River that flows down to the Murray Darling Basin. It's dying spirit and that we need to safe these rivers.'
Museum of Applied Arts and Sciences. Gift of Australian Consolidated Press under the Taxation Incentives for the Arts Scheme, 1985. Unattributed studio.

Ang tatlong ilog sa New South Wales – ang Barwon River sa Silangan, Culgoa River sa hilaga at Bogan River sa timog - ay magkakadugtong at bumubuo sa nakapalibot na mga hangganan ng mga katutubong komunidad sa Brewarrina.

Malapit sa puso ng hip hop rapper ang lugar ng Brewarrina. Ang kanyang lola sa ama ay nagmula at lumaki sa naturang lugar sa timog ng NSW.

“It’s about the cultural significance and the stories behind these rivers but also the over irrigation of these rivers and the damage done to these rivers especially in 2019 with massive fish kills."

Pinag-aralang maigi at sinaliksik ni Dobby ang mga kaganapan at problema kaugnay ng tatlong nabanggit na ilog at ang mga epekto ng mga ito sa komunidad Aboriginal na nakatira malapit sa mga ilog.

"It's not just about the spirit of it [the rivers]. It’s about the dying spirit of it. We need to save these rivers," mariing pahayag ng rapper at composer.

Mapapanood si Dobby at mapapakinggan ang musika ng 'Warrangu' sa Hunyo 12 bilang bahagi ng Vivid Sydney sa taong ito.

Taong 2017 nang simulan ni Dobby ang 'Warrangu' River Story nang igawad sa kanya ang 2017 Create NSW Peter Sculthorpe Fellowship grant.

Dobby Rhyan Clapham
Dobby releases his new single 'Walk Away' which tells about the invisibility of Indigenous culture and the issues they still face to even today and not walking away from them.
SBS Filipino

Musika at hindi pagtalikod sa kultura

Ipinagmamalaki ng Pilipino-Aboriginal musician ang kanyang kinalakihang kultura. Ang ina ni Dobby ay nagmula sa Tacloban, Leyte at dumating sa Australia noong 1985. Habang ang kanyang ama ay isang Muruwari Aboriginal mula Brewarrina NSW.

Hangad ng rapper, drummer at music composer na sa pamamagitan ng musika hhigit niyang maitaguyod ang kanyang mga kultura at maisulong ang mga isyu na mahalaga lalo na para sa mga Aboriginal Australians.

"For me personal, I really do believe that music and hip hop is the answer. Music is the way I can contribute to this world."

"I find meaning in songs and I love having calls to action in a song," pahayag ng rapper.

At sa kanyang bagong single na may titulong 'Walk Away', nais nito na pagyamanin pang lalo ang kulturang Aboriginal. 

"Walk Away speaks a little bit to the invisibility of Indigenous culture and the issues we still face to even today."

Para kay Dobby, mahalagang parte ng kanta ang mga linyang "They took away my language and you tell me let it go. You took away my culture and you tell me let it go. I’m not going to walk away".

Mahalaga aniya na huwag nating talikuran ang ating mga pinagmulang kultura at dapat na higit itong pagyamanin.

"I also bring my Filipino-ness to that. We have a history of being colonised as well and so it’s very important we talk about these things and being proud of who we are and knowing that we are still strong and resilient."

Para kay Dobby musika ang sagot para maisulong ang mga pagbabago sa mundo.

Naniniwala din ito na isang paraan ang musika para maka-ugnay sa mga tao.

"It [music] connects to people in ways normal speaking can’t do. It touches people. It connects people with each other. It can make you feel so many things."

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
'Warrangu' sa Vivid Sydney: Mga hinaing kaugnay ng mga ilog sa NSW ibabahagi ng Pilipino-Aboriginal rapper na si Dobby 25/05/2022 21:41 ...
Ilang requirement sa pag-apply ng Temporary Graduate 485 visa, pansamantalang inalis 30/06/2022 09:05 ...
Census 2021 nakita ang paglawak ng multikulturalismo sa bansa 30/06/2022 07:53 ...
Ano-anong mga visa subclass ang maaapektuhan ng mga pagbabago simula ika-1 ng Hulyo 2022? 30/06/2022 06:32 ...
Ano ang kahulugan ng 'Welcome to Country' at bakit isinasagawa itoo? 30/06/2022 07:09 ...
Mga balita ngayong ika 30 ng Hunyo 30/06/2022 13:50 ...
Governor-General Hurley dadalo sa inagurasyon ni President elect Marcos Jr 29/06/2022 09:15 ...
Bagong kampanya inilunsad para talakayin ang kawalan ng pagpigil sa pag-ihi o pagdumi ng mga lalaki 29/06/2022 11:20 ...
Mga balita ngayong ika-29 ng Hunyo 29/06/2022 09:33 ...
Pwede bang magpakasal sa Australia kahit kasal pa sa iba sa Pilipinas? 28/06/2022 09:51 ...
View More