Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

WHO: Hindi pagkakapantay-pantay sa pagkuha ng bakunang gamot pinakamalaking banta ng Covid-19 sa buong mundo

Tedros Adhanom Ghebreyesus, Director General of the World Health Organization (WHO) Source: Salvatore Di Nolfi/Keystone via AP, File

Nababahala ang World Health Organisation dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng kaso ng Omicron variant sa buong mundo. Nagpatindi pa sa sitwasyon ang kakulangan ng bakunang gamot para sa daan-daang mahihirap na bansa. Dahilan upang mas matagalan pang harapin ng buong mundo ang krisis sa kalusugan.

Ikinabahala  ni World Health Organisation Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus  na lumubo na sa labing walong milyong katao sa buong mundo, ang naiulat na bagong   tinamaan ng Covid-19 sa  nakaraang linggo.

Dahil dito, muli itong nanawagan na magtulungan para mas madaling mapa-abot ang ang gamot na bakuna sa mga bansang mababa ang vaccination rates.

Makinig sa podcast:

WHO: Inequity the greatest current COVID threat
00:00 00:00


 

Highlights

  • Omicron variant "mild" o katamtaman  lang ang epekto sa katawan ng tao pero mas nakakahawa.
  • Dr. Michael Ryan nagpaalala na matatapos lang ang pandemya  kapag matugunan na ang problema sa kakulangan ng bakuna ng daang daang mahihirap na bansa.
  • Kung mapag-iwanan ang mga mahihirap na bansa laban sa Covid-19, mabubuo ang mas maraming mapanganib na variants.

 

 

 

" Kahit pa stable pa ngayon ang bilang ng mga namatay,  nababahala ako sa epekto ng Omicron sa frontliners at health system ng maraming bansa. Pero sa totoo lang hindi pa tapos ang pandemic, dahil mas nanganganib ngayon silang hindi bakunado."

Dahil mas nakakahawa  ang Omicron variant kumpara sa ibang nagdaang variant at  katamtaman lang ang dala nitong  panganib sa mga nahawaan, ayon kay  Dr. Michael Ryan,  ang Head of Emergency ng  WHO hindi ito dapat maliitin ng mga eksperto, dahil hindi pa tapos ang pandemya. At lalong hindi pa matatawag na endemic ang dalang sakit ng virus dahil may dalang panganib pa din ang variant.

Matatawag lang umanong tapos na ang dalang peligro ng pandemya kapag matugunan na ang problema sa hindi pagkakapantay-pantay na pagbibigay ng gamot na  bakuna. Paliwanag pa nito daang daang bansa sa buong mundo ang kulang pa ang bakuna, ibig sabihin kaunti pa lang sa kanilang populasyon ang nabakunahan kontra Covid-19.

" Hindi pa matatapos ang virus na ito ngayong taon ang dapat tapusin ay ang public health emergency. Pero malaking iisyu ngayon ang patuloy na pagtaas ng  namamatay at nasa ospital at malaking hamon ito sa ekonomiya. Kailangan natin ang mataas na vaccination rate para wala ng mamamatay. "

Sa kanyang talumpati  sa World Economic Forum sa Davos Switzerland muling nanawagan si United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa mga negosyante na suportahan at tulungan ang mga mahihirap na bansa para makakuha ng bakuna.

" Totoong napakamahirap ang nakaraang dalawang taon pero dapat nating tandaan, kapag iiwan natin ang ibang bansa, lahat tayo manganganib dahil sa virus kaya dapat lahat matulungan na mabakunahan  dahil kung hindi pati ekonomiya ng buong mundo manganganib."

Dagdag nito, sobrang mapanganib ang resulta ng kakulangan ng bakuna sa maraming bansa dahil tataas ang tsansa na mabubuo ang maraming mas mabagsik na variants.

Sa US,  bagama’t bumaba ng kaunti ang pang- araw -araw na bilang ng mga natatamaan ng virus, tumataas naman ang bilang ng mga namamatay at nasa ospital.

Batay sa pag-aaral na ginawa, aabot sa  higit 300,000 na mga Amerikano ang posibleng mamamatay sa  Marso.

Samantala sa  Europa,  sa France  tinatayang nasa kalahating milyong katao na ang nagkasakit pinakamataas itong bilang  ng kaso sa isang araw, habang sa  nasa 228,179 katao naman ang bagong kaso sa Italy.

Nitong buwan lang ng Ennero, nasa higit  900 katao naman ang namatay sa buong England at Wales, bagay  na malaking  hamon para sa British Government.

Pero umaasa pa din si Prime Minister  Boris Johnson,  magiging epektibo ang kanilang mga hakbang at hindi magtatagal ay makakablik na sa mga opisina  ang milyong-milyong residente na  naka-work from home.

At ang hakbang na ito ay inaasahang  makakatulong para mailihis ang tuon ng mga tao sa buong mundo sa kinakaharap na iskandalo ng kanyang pamunuan.

Noong nakaraang linggo kasi, lumabas ang balita na nagkaroon ng party sa mismong lugar ng Prime Minister Johnson habang nakalockdown ang buong bansa.

Depensa ng ni Prime Minister, hindi nya inakalang may health protocols silang nalabag.

" Walang nagsabi sa akin na nalabag ang health protocols at Covid rules dahil para sa akin wala kaming nalabag."

Lumalabas din ng ilang balita na may nilulutong hakbang ang ilang partido para mapaalis ito sa pwesto.

Mula ng magkapandemya, umaabot na sa higit 150,000 katao ang namatay sa UK, pangalawa ito  sa may pinakamaraming bilang na  namatay sa buong Europa at nanguna dito  ang Russia.

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
WHO: Hindi pagkakapantay-pantay sa pagkuha ng bakunang gamot pinakamalaking banta ng Covid-19 sa buong mundo 20/01/2022 07:04 ...
Maaari ba akong umapela sa aking landlord kapag nagtaas sila ng renta sa bahay? 24/05/2022 11:00 ...
Mga balita ngayong ika-24 ng Mayo 24/05/2022 11:12 ...
Magkakaibang nanalong kandidato babaguhin ang mukha ng parlyamento 24/05/2022 05:07 ...
Boses ng Bayan: Ano nga ba ang saloobin ng ating mga kababayan sa katatapos na pederal na halalan? 23/05/2022 09:45 ...
Mga balita ngayong ika-23 ng Mayo 23/05/2022 08:03 ...
Anthony Albanese nakatakdang maging ika-31 na punong ministro ng Australia 22/05/2022 05:00 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Mayo 22/05/2022 08:22 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Mayo 21/05/2022 06:28 ...
Mga paraan upang mapabuti ang kalusugan 20/05/2022 06:21 ...
View More