Coming Up Sun 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Bilang ng mga Pilipino sa Australya patuloy ang pagtaas

People born in the Philippines are the fifth largest group in Australia. Source: Getty Images/FatCamera

Ayon sa bagong data na inilabas ng Australian Bureau of Statistics, tumataas ang bilang ng mga Pilipino na naninirahan sa Australya.

 Ngayong 2019, tumaas ang kasalukuyang bilang ng mga Pilipino sa Australya sa 294,000 mula sa 278,000 noong 2018.

Ang mga nagtala na ipinanganak sa Pilipinas ay nasa ika-lima sa pinakamalaking grupo at kumakatawan sa higit isang porsyento ng populasyon ng Australya, ayon sa nakalap na bagong datos ng Australian Bureau of Statistics.

Filipinos in Australia, Pinoys in Australia, Filipino population in Australia
Australian Bureau of Statistics, 2019

Data ng bawat estado

Base sa census data noong 2016, pinakamarami ang bilang ng mga Pilipino sa New South Wales na nagtala ng bilang na 94,100, sinundan ito ng Victoria na may 56,000. 

Sumunod na may pinakamataas na bilang ang estado ng Queensland at Western Australia na nagtala ng bilang na 43,100 at 33,400. 

Nagtala naman ng pinakamababang bilang ang estado ng ACT na may 4,000 katao at ang Tasmania na may 1,800 katao. 

Habang sa Northern Territory naman naitala na pinakamalaking grupo ang mga Pilipinong migrante, na may 7,000 katao. 

 

NB: State and Territory Population by Country of Birth is only available for Census years.