Coming Up Wed 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Construction sites sa Victoria, balik-operasyon na; ACT nagtala ng pinakamataas na kaso ng coronavirus ngayong araw

Victoria announces vaccine mandate for authorised workers Source: AAP Image/Lukas Coch

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 1, 2021

  • Mga otorisadong manggagawa sa Victoria, obligado na magpabakuna
  • Mga negosyo sa New South Wales, makakukuha pa din ng tulong pinansyal
  • At dalawang panibagong kaso ng coronavirus, naitala sa Queensland

Victoria

Nagtala ng 1,143 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria at tatlo ang namatay.

Kinkailangan na din makakuha ng unang dose ng bakuna ang lahat ng mga otorisadong manggagawa hanggang Oktubre 15 para makapasok sa  kani-kanilang trabaho. Bibigyan sila ng gobyerno ng hanggang Nobyembre 26 para makumpleto ang kanilang bakuna.

Simula Martes, Oktubre 5, balik-operasyon na ang mga construction sites at papayagan silang mag-operate hanggang 25 per cent capacity. Kinakailangan din na mayroong kahit isang dose ang mga papasok sa site.

Samantala, sasailalim naman sa pitong araw na lockdown ang Moorabool local government area simula ngayong hatinggabi.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

New South Wales

Nagtala ng 864 na panibagong kaso ang estado at 15 ang namatay.

Siniguro naman ni Treasurer Dominic Perrottet na makakatanggap pa rin ng tulong pinansyal ang mga negosyo sa New South Wales hanggang Nobyembre 30, basta’t makakapagbigay sila ng mga kakalanganing dokumento.

Makakatanggap din ng ayuda na hanggang $750 kada dalawang linggo ang mga maliliit na negosyo na may turnover na mas mababa sa $75,000.

Maaari din ma-access ang Job Saver program para sa mga negosyo na nawalan ng higit 30 porsyento ng kanilang kita.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment

Australian Capital Territory

Sa Australian Capital Territory naman ay may naitalang 53 na panibagong kaso ng coronavirus at dalawa ang namatay.

Ayon kay ACT Chief Minister Andrew Barr, nasa apatnapung porsyento pa ng mga taga-Canberra ang hindi pa bakunado, at karamihan ay mga may edad 40 pababa.

 Magpabook ng COVID-19 vaccination.  
 

Victoria vs NSW case numbers
SBS

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory

This story is also available in other languages.