Coming Up Tue 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Home quarantine trials, sisimulan na sa NSW at Tasmania

Dr Rifi administers Covid vaccine to 12 year old at a pop-up drive through vaccination clinic at Belmore Oval, in Sydney, September 17, 2021. Source: AAP Image/Dan Himbrechts

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 17, 2021

  • Home quarantine trial para sa mga fully vaccinated na papasok sa bansa, sisimulan sa New South Wales
  • Victoria, magluluwag na ng restriksyon simula ngyong hatinggabi
  • Mga aged care workers sa ACT, obligado na magpabakuna
  • At sa Queensland, may isa na namang nagpositibo sa virus habang naka-home quarantine

 

New South Wales

Nagtala ng 1,284 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at 12 ang namatay. Kabilang sa namatay ay dalawang lalaki na nasa kanilang 20s, tatlong residente sa aged care sa Dubbo, at pito ay hindi bakunado.

Inanunsyo ni NSW Premier Gladys Berejiklian na sisimulan na ang pitong-araw na home-based quarantine trial para sa mga papasok sa bansa na nakakuha na ng bakuna kontra COVID-19 na aprubado ng TGA. Inaasahang may 175 katao ang mapapasama sa unang trial at uumpisahan ito sa katapusan ng buwan.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.

Victoria

Nagtala ng 510 na panibagong  kaso ng COVID-19 ang estado at isa ang namatay.

Simula ngayong hatinggabi, papayagan nang magtipon para mag-picnic o maglakad hanggang dalawang katao ang mga hindi bakunado o mga nakakuha lamang ng isang dose ng bakuna. Para naman sa mga fully vaccinated, papayagang magtipon hanggang limang katao at kasama sa bilang ang mga anak o dependents.

Iaanunsyo sa darating na Linggo, Setyembre 19 ang kabuuang roadmap o planong pagbubukas ng Victoria, pati na rin ang mga ipapatupad na restriksyon hanggang Nobyembre.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

Australian Capital Territory

Nagtala ng 30 panibagong kaso ng coronavirus ang Australian Capital Territory, at labingapat sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Simula ngayon, obligado nang magpabakuna ang mga nagtatrabaho sa aged care sector. Kung hindi pa bakunado, hindi sila papayagang pumasok sa kanilang pinagtatrabahuhan hangga’t hindi pa sila nakakakuha ng kahit isang dose ng bakuna. 

Magpabook ng COVID-19 vaccination.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Simula sa susunod na linggo, sisimulan na sa Tasmania ang 30-day home quarantine trial para sa mga babyahe na galing regional NSW

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory

This story is also available in other languages.