Ito ang pinakabagong update sa Coronavirus sa Australya ngayong ika-30 ng Disyembre 2021.
Magpupulong ngayong araw ang National Cabinet para baguhin ang ibig sabihin ng “close contact” at tugunan ang problema sa COVID-19 testing.
Malapit ng magkaroon ng access sa libreng COVID-19 rapid antigen testing kits ang mga taga-Victoria, saad ng Victoria’s Health Minister na si Martin Foley. Hindi pa nilalabas ang mga detalye ng distribution plan ng pamahalaan.
Walong bagong kaso ang na-detect sa Thursday Island sa Torres Strait.
Nauna nang binalaan ng isang NSW Pathology clinic ang pamahalaan ng Queensland at Victoria ukol sa kaguluhan sa traveller testing
Ayon sa mga preliminary findings ng Africa Health Research Institute sa Durban, South Africa na maaring magkaroon ng proteksyon laban sa Delta strain dahil sa COVID-19 Omicron variant.
Pahayag ni WHO Chief Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang “tsunami” ng kaso ng Omicron at Delta ay magpapahirap sa mga health systems na nasa “brink of collapse" habang isinusulong na tuldukan ang global vaccine inequity.
COVID-19 STATS:
May 12,226 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW at isa ang namatay, habang may 5,137 na naiulat na bagong kaso sa Victoria at 13 na namatay.
Tumalon sa 2,222 ang mga kaso sa Queensland.
May 92 na bagong kaso ng COVID-19 sa Tasmania.
Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita dito.
Quarantine and restriksyon kada estado:
Alamin kung ano ang maaari at di mo maaaring gawin sa iyong estado o teritoryo.
Travel
Impormasyon para sa mga international travellers at Covid-19 at travel information sa iyong wika
Pampinansyal na tulong
May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated: Tulong habang may pandemya mula sa Services Australia sa iyong wika
- Balita at impormasyon para sa higit na 60 na wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Relevant guidelines para sa iyong estado o teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon ukol sa COVID-19 vaccine sa iyong wika.
Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:
COVID-19 Vaccination Glossary
Appointment Reminder Tool.
Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:
NSW
Victoria
Queensland
South Australia
ACT
Western Australia
Tasmania
Northern Territory