Coming Up Tue 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Kaso ng Delta variant ng Covid-19 sa NSW pumalo sa pinakamataas na bilang, restriksyon mas hinigpitan

A near empty Market Street is seen in the central business district in Sydney. Source: AAP Image/Mick Tsikas

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 29, 2021

  • NSW napagtala ng pinaka-mataas na bilang  ng kaso  ng tinamaan ng Covid -19 ngayong araw  simula ng magkapandemya sa estado
  • Victoria patuloy ang imbestigasyon sa isang mystery case ng coronavirus sa lugar
  • South australia nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw
  • Queenslanders isinailalim sa mandatory na pagsusuot ng masks  sa loob ng isa pang  linggo

 

New South Whales

Pumalo sa  239  ang bagong kaso ng Covid-19 sa estado, habang 2 ang binawian ng buhay, isang babae na nasa edad 90's at isang lalaki na nasa 80’s ang 2 ay pawang  nakatira sa may Southwest Sydney.

Sa bilang na 239,  81 ang naka-isolate habang infectious o nakakahawa, 126 na kaso ang patuloy na imbestigahan ng mga eksperto.

 

Dahil dito inanunsyo ni NSW  Premier Gladys Berejiklian ang lahat ng mga nakatira sa 8 local government areas of concern, gaya ng Fairfield, Canterbury-Bankstown, Liverpool, Cumberland, Blacktown, Parramatta, Campbelltown at George's River ay hindi pinapayagang makabyahe lagpas sa  5 kilometro mula sa kanilang bahay.

 Samantala, tinaasan ang multa mula sa $200 sa $500 para sa hindi nagsusuot ng masks. Aasahan din na simula bukas, ipapasara na ng mga pulis ang negosyo ng mga negosyanteng pilit na nagbubukas ng kani-kanilang mga negosyo ngayong panahon ng lockdown.

Alamin ang bagong palisiya at restriksyon  COVID-19 rules and restrictions

 

Victoria

Nakapagtala ng bagong 6 na  locally aquired na kaso ng Coronavirus, lahat ng kaso ay kaugnay sa kasalukuyang Delta outbreak sa estado. Samantala naka-isolate na habang infectious o nakakahawa ang mga biktima. Pero patuloy pa din ang pag-iimbestiga ng mga otoridad kaugnay sa mystery Covid case na naitala kahapon.

Alamin ang mga pagbabago at karagdagang COVID safe measures


 

 

Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • South Australia  nakapagtala ng 2 bagong kaso ng Covid-19, mga tinaman ng virus naka-isolate habang infectious o nakakahawa.
  • Ipinatupad  ang mandatory na pagsusuot ng mask sa mga residente ng 11 LGA's na sakop ng  South East Queensland, sa loob ng isa pang linggo.

 

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

 

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

 

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

 

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, i-click ang link na ito. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa Smart traveller website. 

 

 


 


 

Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

 

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.

 


 

Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 

 


 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory