Coming Up Sun 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Lismore at Albury sa NSW, sasailalim sa lockdown simula 6pm ngayong gabi

The regional LGAs of Lismore and Albury will go into a seven-day lockdown from 6pm tonight, 16 September 2021. Source: AAP Image/Lukas Coch

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 16, 2021

  • 12 regional LGA’s sa NSW, makakawala na sa lockdown
  • Victoria, magluluwag ng mga restriksyon
  • ACT, palalawigin ang COVID-19 support grants
  • Sa Queensland, may isang nagpositibo sa virus habang naka-home quarantine

New South Wales

Nagtala ng 1,351 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at 12 ang namatay. Sampu sa mga namatay ay hindi bakunado.

Simula alas-sais ngayong gabi, sasailalim ang Lismore at Albury sa pitong araw na lockdown, matapos sumipa ang bilang ng mga kaso sa mga nabanggit na lugar.

Simula ala-una ngayong hapon, makakawala na sa lockdown ang ilang lugar sa regional NSW, kabilang dito ang Bega Valley, Blayney, Bogan, Cabonne, Dungog, Forbes, Muswellbrook, Narrabri, Parkes, Singleton Snowy Monaro at Upper Hunter Shire.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.

Victoria

Nagtala ng 514 na panibagong kaso ang estado at umabot na sa 4,370 ang bilang ng mga aktibong kaso.

Inaasahan din na maaabot ng Victoria ang 70 percent na first-dose target ngayong araw at magluluwag pa ng restriksyon sa Greater Melbourne at regional Victoria, simula hatinggabi ng Byernes, Setyembre 17.

Papayagang nang magtipon sa labas ang mga fully vaccinated na residente, basta’t hindi lalagpas sa limang katao. Para naman sa mga hindi pa bakunado o nakakuha pa lamang ng isang dose, limitado lang sa dalawa ang pwedeng magtipon. Pwede na ring mamili at mag-ehersisyo 10 kilometro mula sa iyong bahay.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

Australian Capital Territory

Nagtala ng 15 panibagong kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory, walo sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Inanunsyo din ng Commonwealth at gobyerno ng ACT ang pagpapalawig ng COVID-189 Business Support Grants. Napagkasaunduan din na magkakaroon ng karagdagang suporta tulad ng COVID-19 Tourism, Accommodation Provider, Arts, Events and Hospitality Grant. Alamin kung paano mag-apply dito.

Magpabook ng COVID-19 vaccination.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory