Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong ika-23 ng Nobyembre 2021
- Mananatiling nakalockdown ang Northern Territory hanggang ika-4 ng Disyembre matapos magtala ng tatlong panibagong kaso ng COVID-19. Isa sa tatlong kaso ay sanggol.
- Ayon kay Queensland Premier, Annastacia Palaszczuk, ang mga quick trips patungong Sydney ay ‘out of the question’ hanggat di naabot ng estado ang 90 porsyento ng vaccination target.
- Pinag-aaralan na ng NSW kung ipagpapatuloy pa rin ang mga testing systems para sa mga domestic travellers.
- Nagbukas na ang South Australia ng quarantine-free travel para sa mga biyaherong mula NSW, ACT at Victoria. Nasa 43,000 biyahero na ang nag-apply gamit ang EntryCheck website simula Biyernes ng hapon.
- Ang mga bumabiyahe mula sa mga Local Government Areas na mas mababa sa 80 porsiyento ang vaccination rate at community transmission ay kinakailangan paring mag-quarantine sa South Australia.
COVID-19 STATS:
Victoria nagtala ng 827 bagong kaso ng COVID-19. 17 katao sa 19 na nasawi ang hindi bakunado.
NSW nagtala ng 173 bagong kaso ng COVID-19 habang dalawa ang nasawi.
ACT nagtala ng 19 bagong kaso ng COVID-19,
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika
Tulong pinansyal
narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.
Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
NSW
Victoria
Queensland
South Australia
ACT
Western Australia
Tasmania
Northern Territory