Coming Up Fri 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 Update: Mga batang may edad 5 hanggang 11 taon, pwede nang magpabakuna

Source: AAP Image/Bianca De Marchi

Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong 10 Enero 2022.

  • Maaari nang magpabakuna ang mga batang may edad 5 hanggang 11 taon, habang nalalapit na ang pagbabalik-eskwela ng mga bata ngayong taon.
  • Ayon kay Lietenant General John Frewen, higit 10,000 vaccination sites ang kabilang sa rollout ng bakuna para sa mga kabataan. Hinihikayat din nya ang mga magulang na maging matiyaga sa paghahanap ng appointment kahit pahirapan ang pagbo-book.
  • Inanunsyo ni Scott Morrison ang bagong patakaran kung saan papayagang pumasok ang mga natukoy na close contact sa ilang piling mga industriya basta't kumpleto na ang kanilang bakuna at wala silang nararamdamang sintomas ng COVID-19. 
  • Sa Queensland, magbabalik-eskwela ang mga bata sa Pebrero 7, sa halip na Enero 24.
  • Sa New South Wales, may 2,030 katao ang kasalukuyang nasa ospital dahil sa virus. 159 sa mga ito ay nasa ICU. Habang sa Victoria, umabot naman sa 818 ang bilang ng na-ospital.
  • Sa Queensland, 419 katao ang kasalukuyang ginagamot sa ospital. 21 dito ay nasa intenseive care at pito ang nangailangan ng ventilator.
  • Binatikos naman ng Transport Workers Union (TWU) ang desisyon ng NSW Health kaugnay sa self-isolation requirement. Anila, mas magiging prayoridad ang pangangailangan ng organisasyon kaysa kaligtasan ng mga empleyado.
  • Sa Victoria, obligado nang magpakuna ng kanilang ikatlong dose ng COVID-19 vaccine ang mga nagtatrabaho sa mga piling industriya, ayon sa pahayag ni Health Minister Martin Foley.
  • Inanunsyo ni NSW Premier Dominic Perottet ang pagkuha ng dagdag na 50 milyong rapid antigen testing kits. 
  • Ipapatupad na din ng NSW ang pag-reregister ng resulta ng rapid antigen tests, gamit ang Service NSW app.

RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo

COVID-19 Stats:

Nagtala ang New South Wales ng 20,293 na panibagong kaso mula sa PCR tests at 18 ang namatay.

Umabot naman sa 34,808 ang naitalang kaso sa Victoria at dalawa ang namatay. 

9,851 na panibagong kaso naman ang naitala sa Queensland. Sa ngayon, isinasama na sa bilang ang mga resulta mula sa PCR tests at rapid antigen tests na isinumite ng mga residente.

938 naman ang naitala sa ACT, habang 1,218 naman ang naitalang panibagong kaso sa Tasmania. 

Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 

 

This story is also available in other languages.