Coming Up Thu 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Mga residente sa North at South regional NSW hinikayat na magpa-test, Victoria nakapagtala ng 847 panibagong COVID-19 cases

People are seen arriving at the South Western Sydney Vaccination Centre, at Macquarie Fields, Sydney, Friday, September 24, 2021. Source: AAP Image/Dan Himbrechts

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 25, 2021

  • Fragments ng virus natagpuan sa ilang bahagi ng regional NSW 
  • Tumatayo sa 7,611 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Victoria
  • ACT nagtala ng 32 panibagong locally acquired cases ng COVID-19

New South Wales 

Nagtala ang NSW ng 1,007 panibagong kaso ng COVID-19 kung saan 522 ang nagmula sa South Western at Western Sydney. Labing isa ang pumanaw mula sa virus kung kaya't umabot na sa 288 ang bilang ng kamatayan mula sa kasalukuyang outbreak at 344 ang kabuuang bilang ng kamatayan simula ng pandemya.

Natagpuan ang fragments ng virus sa mga sewage ng Tamworth sa northeast NSW, Dareton at Balranald sa Far Western NSW, Oberon sa Central West, Dungog sa Hunter, at Eden sa South Coast.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.

Victoria

Nagtala ang estado ng 847 panibagong COVID-19 cases kung saan 79 porsyento ang nasa edad 50 anyos pababa.  Nakapagtala ng isang kamatayan ang estado.

Matatagalan pa bago lumuwag ang mag restriksyon sa Melbourne. Hindi naabot ng Victoria ang kanilang unang COVID-19 roadmap target ngayong weekend. Nagkulang ng 3.7 porsyento ang Victoria sa pag-abot ng 80 porysento na first dose vaccination target para sa edad 16 anyos pataas.

Hinimok naman ng awtoridad ang lahat na manatili sa bahay sa kabila ng AFL grand final na gaganapin ngayong gabi.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

Huling kaganapan sa Australia sa nakaraang bente kwatro oras 

  • Queensland nakapagtala ng isang panibagong kaso ng COVID-19 mula sa isang naka -home quarantine. Sinasabing konektado ang kaso sa Sunnybank cluster na ngayon ay mahagit 2,000 close contactsna ang naka-quarantine.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory

This story is also available in other languages.