Coming Up Tue 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: NSW nakapagtala ng mataas na bilang ng mga panibagong kaso, Victoria maagang maaabot ang vaccination target

Source: AAP/DAN HIMBRECHTS

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 4 2021.

  • NSW nakapagtala ng mataas na bilang ng COVID-19
  • Victoria nakapagtala ng 190 cases habang tumataas ang antas ng pagbakuna
  • ACT aabot na sa 70 porsyento ang antas ng first-dose vaccination
  • SA Health nakapaglista ng dalawang pubs bilang Tier 1 exposure sites

 

New South Wales 

Nakapagtala ang NSW ng 1,533 panibagong locally acquired cases at apat na kamatayan kung saan 173 sa mga taong nadapuan ng virus ay nasa intensive care unit at 62 ang kinabitan ng ventilator.

Sinabi ni Health Minister Brad Hazzard, 72 porsyento ng mga eligible na residente ng NSW ang nakatanggap na ng kanilang unang dose, at hindi tataas ng 40 porsyento ang fully vaccinated. Nanawagan ang awtoridad sa mga pulis at emergency worker mula sa 12 LGA na tinuturing na hotspot na magpabakuna ngayong weekend.

Maaring i-book ang inyong vaccine appointment ngayong araw.

Victoria

Nakapagtala ang Victoria ng 190 panibagong local cases, 103 dito ang konektado sa kilalang mga outbreak. Patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan ng 87 sa mga impeksyon.

Habang inaasahang maagang maaabot ng estado ang 70 porsyento ng first-dose vaccination, nag-anunsyo si Minister Martin Pakula ng pagpapalawig ng mga business support programs.

Narito ang listahan ng mga vaccination centre.

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Moderna COVID-19 vaccine aprubado na ng Therapeutic Goods Administration para sa mga bating may edad 12 pataas.
  • ACT nakapagtala ng 32 panibagong kaso ng COVID-19 kung saan 19 ang nasa komunidad habang nakakahawa. Nakatakdang umabot ng 70 porsyento ang antas ng firs-dose vaccination ngayong weekend.
  • Queensland, isang apat na taong gulang na bata ang nagpositibo sa COVID-19
  • Sinabi ng SA health na dalawang pub sa Adelaide North ang binisita ng truck driver na nagpositibo sa COVID-19. Ang sinumang pumunta sa pub ay dapat mag self-isolate ng 14 araw

 

COVID-19 myths
SBS

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory

 

This story is also available in other languages.