Coming Up Thu 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 Update: NSW, sinuspende ang elective surgery

NSW Premier Dominic Perrottet (centre) speaks to the media during a press conference at South Western Sydney Vaccination Centre in Sydney, Wednesday, January 5. Source: AAP Image/Bianca De Marchi

Ito ang pinakabagong update sa Coronavirus sa Australya ngayong ika-7 ng Enero 2022.

  • Sa NSW, susupindihin ang non-urgent elective surgery hanggang Pebrero, pagkatapos maiulat na may 38,625 na bagong kaso nitong nakalipas na 24 oras.

  • Kinakailangang i-report ng mga residente ng NSW sa health department kung sila'y magpositibo sa rapid antigen test and bibilangin ito gaya ng positibong PCR test, saad ni NSW Premier Dominic Perrottet.

  • May mga bagong restriksyon sa pagkanta at pagsayaw hanggang 27 Enero. 

  • Sa mga lugar na kinakailangan ang bakuna, kailangang kasama din ang boosers sinabi ni Perrottet sa isang press conference ngayong araw. 

  • 1,738 hospitalisations na dahil sa COVID-19. ang NSW. May 134 na katao sa intensive care, ayon sa NSW Health.

  • Tumaas din ng 644 katao ang Victoria hospitalisations. May 58 na aktibong kaso sa intensive care at 24 ang naka-ventilator.

  • Hinihikayat ni Prime Minister Scott Morrison ang lahat ng Australyano na siguruhin ang kanilang eligibility para sa federal pandemic leave disaster payments, habang dumadami ang mga kaso ng Omicron. Ang bayad ay naghahalagang $750 para sa bawat pitong araw na sinabihan ang taong mag-self-isolate o quarantine.

  • Sinabi ni Queensland Premier Annastacia Palaszczuk maaaring ma-delay ng hanggang dalawang linggo ang umpisa ng termino para sa primary schools sa Queensland kung lumalala pa ang Omicron outbreak.

  • Kinakailangan ng sumunod sa mga mahihigpit na lockout restrictions ang mga unvaccinated na residente sa Northern Territory. Ang mga unvaccinated na 16 at nakatatanda ay maaari lamang umalis ng bahay dahil sa tatlong dahilan at hindi sila maaaring lumayo ng higit 30 kilometro mula sa kanilang tahanan.  

  • Binalaan ng World Health Organisation (WHO) ang sinuman na magsabi na mild lamang ang Omicron variant dahil may mga namatay na dahil dito sa buong mundo.

COVID-19 STATS:

May 38,625 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW at labing-isang namatay, habang may 21,728 na naiulat na bagong kaso sa Victoria at anim na namatay.

May 10,953 na bagong kaso sa Queensland, habang may 3,070 na bagong impeksyon sa South Australia.

May 1,246 na kaso sa ACT, habang 1,489 ang positibo sa virus sa Tasmania. 

Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita dito


Quarantine and restriksyon kada estado:

Alamin kung ano ang maaari at di mo maaaring gawin sa iyong estado o teritoryo.

Travel

Impormasyon para sa mga international travellers at Covid-19 at travel information sa iyong wika

Pampinansyal na tulong

May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:  Tulong habang may pandemya mula sa Services Australia sa iyong wika




Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:

COVID-19 Vaccination Glossary
Appointment Reminder Tool.


Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory


 

This story is also available in other languages.