Coming Up Sun 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: NSW umabot na sa 70 porsyentong single dose vaccination target; ilang resktriksyon niluwagan

The 12 local areas of concern in Sydney have been given back unlimited exercise. Source: AAP Image/Joel Carrett

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 2 2021

  • Traces ng COVID-19 na natukoy sa daluyan ng tubig sa Southern New South Wales, ikinabahala ng mga otoridad
  • Victoria nakapagtala ng pinakamataas na panibagong kaso ng virus sa isang araw, nitong taon
  • ACT, 68 per cent ng populasyon bakunado na
  • Queensland, nakapagtala ng isang bagong kaso ng Covid-19

 

 


 

New South Wales

Nagtala ng 1,288 na panibagong kaso ng Coronavirus ang New South Wales. Pito naman ang namatay.

Inaasahan namang maabot na ng estado ang 70 per cent single dose vaccination target ngayong araw.

Simula bukas  Biyernes, Setymbre 3 unlimited na ang oras ng pag-ehersisyo sa lahat ng nakatira sa  12 local government areas.

Mga residente inabisuhang huwag maging kampante dahil ang ibang restriksyon ay ipinapatupad pa din.

May natukoy namang traces ng virus sa daluyan ng tubig sa Bega, Cooma, Illawarra Shoalhaven sa Bomaderry. Bagay na ikinabahala ng mga otoridad dahil walang mga naitalang kaso ng virus sa mga naturang lugar.

Alamin kung paano magpa-book ng COVID-vaccine

Victoria

Nakapagtala ng panibagong 176 na kaso  nga  Covid-19, 128 dito ay mula sa mga lugar sa  Northern at Western Melbourne.

Simula mamayang 11:59 pm bubuksan ang mga playgrounds sa estado, para sa mga batang may edad 12 anyos pababa. Ang mga playgrounds ay nilagyan ng QR codes para sa isang bantay o guardian na pinahihintulutang makasama nito, at dapat may suot na masks.

Alamin kung saan pwede magpabakuna

Australian Capital Territory

Nagtala ng 12 na panibagong kso nga Coronavirus  ang teritoryo, at walo naman sa mga ito ay nakakahawa habang nasa komunidad.

Bukas Setyembre 3, magbibigay ng libreng sakay sa  bus at tren ang Canberra Transport para sa mga magpapabakuna papunta sa lahat ng ACT government vaccination clinics.

Alamin kung pwede ka na makakuha ng COVID-19 vaccine

 

Huling kaganapan sa loob ng  24 oras sa Australia

  • Queensland, nakapagtala ng pangalawang kaso ng Coronavirus sa loob ng ikalawang araw, kinabibilangan ito ng dalawang truck driver, na pawang walang kaugnayan sa isa't-isa.

 

alc covid mental health
ALC

 

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory