Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 Update: Pagbubukas ng border ng Australia, naantala dahil sa pagpasok ng bagong variant sa bansa

Greg Hunt, Karen Andrews and Paul Kelly. Source: AAP Image/Mick Tsikas

Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong ika-30 ng Nobyembre 2021.

  • Naantala ang inaasahang pagbubukas ng international border ng Australia para sa mga skilled workers at estudyanteng galing sa ibang bansa, kabilang din ang mga may hawak na humanitarian, working holiday maker at provisional family visas. Sa halip na Disyembre 1, papayagan lang sila makapasok sa bansa sa Disyembre 15. 
  • Ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt, ibabatay ng gobyerno sa medical advice ang anumang desisyon sa mga ipapatupad na pagbabago
  • Suportado ng oposisyon ang desisyon ng gobyerno na ipagpaliban ang nakatakda sanang muling pagbubukas ng international border ng bansa.
  • Magkakaroon ng pagpupulong ang National Cabinet ngayong araw para talakayin ang mga susunod na hakbang sa pagtugon ng gobyerno sa banta ng Omicron variant. 
  • Sa ngayon, may naitalang anim na kumpirmadong kaso ng Omicron variant sa Australia
  • Deadline para sa mandatory vaccination sa Western Australia, nalalapit na
  • Mga nagtatrabaho sa Queensland na kabilang sa high-risk settings, obligado nang magpabakuna simula Disyembre 17. 

COVID-19 STATS

Victoria: Nagtala ng 918 na panibagong kaso at anim ang naiulat na namatay. 

NSW: Nagtala ng 179 na bagong comminity cases at tatlo ang namatay.


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 

This story is also available in other languages.