Coming Up Wed 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Pagbubukas ng NSW, kasado na; At sa Victoria, niluwagan na ang mga border restrictions

NSW Premier Dominic Perrottet addresses media during a press conference in Sydney, Thursday, October 7, 2021. Source: AAP

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 7, 2021

  • Pagbabakuna sa mga may kapansanan, tututukan ng Victoria
  • 70 percent double vaccination target, naabot na ng New South Wales
  • At ACT, nakatakdang maging isa sa ‘most vaccinated cities’ sa buong mundo

Victoria

Nagtala ng 1,638 na panibagong kaso ang Victoria at dalawa ang naiulat na namatay.

Simula ngayong araw, ilang mga lugar sa NSW at ACT na naunang natukoy na red zone ay nasa orange zone na. Dahil dito, maaari nang mag-apply para makabalik ang libo-libong residente ng Victoria na hindi nakauwi dahil sa outbreak. 

Simula bukas, Oktubre 8, maaari nang magpabakuna sa mga vaccination hubs ang mga may kapansanan, kahit walang booking. Magtatalaga din ang Victoria ng mga disability pop-up vaccination hubs sa ilang mga lugar.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

New South Wales

Nagtala ng 587 na panibagong kaso ang New South Wales at walo ang namatay.

Inanunsyo naman ni Premier Dominic Perrottet ang mga ipapatupad na pagbabago sa plano matapos makaabot ng NSW ang target nitong 70 per cent double vaccination rate.

Simula Lunes, Oktubre 11, papayagan na ang hanggang sampung katao na bisita sa loob ng bahay. Hindi kasama sa bilang ang mga bata. Aakyat na din sa 30 ang bilang ng mga pwedeng magtipon sa labas.

Tataas na din sa 100 ang bilang ng mga pwedeng dumalo sa kasal at libing. Magbubukas na din ang mga indoor pools.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.  

Australian Capital Territory

Nagtala ng 41 na panibagong kaso ang Australian Capital Territory.

Umabot na sa 96 per cent ang vaccination rate ng mga nabakunahan na ng unang dose na may edad dose pataas. Sa ngayon, nangunguna na ang ACT sa vaccination rate sa buong bansa.

Magpabook ng COVID-19 vaccination.  

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory

This story is also available in other languages.