Coming Up Tue 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Pagluluwag ng restriksyon para sa mga bakunadong residente ng NSW, magsisimula na sa Lunes

NSW Premier Gladys Berejiklian arrives to speak to the media during a press conference in Sydney, Friday, September 10, 2021. Source: AAP Image/Joel Carrett

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 10, 2021

  • COVID-19 virus, natukoy sa ilang lugar sa regional NSW
  • V/Line natigil pansamantala ang operasyon sa Victoria
  • Dagdag na booking para sa pagpapabakuna binuksan sa ACT
  • Queensland, nagtala ng isang bagong kaso ng coronavirus

 

New South Wales

Nagtala ng 1,542 na panibagong kaso ang New South Wales at siyam ang namatay.

Simula Lunes, Setyembre 13, papayagan nang magtipon sa labas ang mga residente ng 12 local government areas kung saan maraming mga naitalang kaso, basta’t hindi lalagpas sa limang katao at lahat ay bakunado. Papayagan na rin mag-picnic o lumabas para mag-libang ang mga bakunadong myembro ng pamilya na nakatira sa mga LGA na natukoy na hotspots. Basta’t hindi lalagpas sa dalawang oras ang paglabas, bukod pa ito sa walang limit na pag-eehersisyo.

Samantala, may natukoy naman na traces ng COVID-19 sa daluyan ng tubig ng Tamworth, Lightning Ridge, Glen Innes, Culburra Beach at Moruya.

Simula Lunes, Setyembre 13, magpapalabas na ng mga video updates ang NSW Health kapalit ng mga live press conference tuwing alas-onse.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.

Victoria

Nagtala ng 334 na panibagong kaso ang estado, 149 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak at isa ang namatay.

Pansamantalang natigil ang operasyon ng dalawampung train services ng V/Line matapos magpositibo sa COVID-19 virus ang driver ng tren na bumyahe mula Southern Cross papuntang Gippsland. Tinatayang aabot sa 100 ang mga apektadong serbisyo.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

Australian Capital Territory 

Nagtala ng 24 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory, at anim sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Hinihikayat rin ng mga otoridad ang mga residenteng nakapagbook na ng bakuna na agahan ang kanilang appointment gamit ang MyDHR system. Sa ngayon, may higit 30,000 na karagdagang appointments ang pwede pang i-book.

Alamin kung paano magpabook ng vaccination appointment.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Nagtala ng isang panibagong kaso ang Queensland, matapos magpositibo sa virus ang isang teenager sa St Thomas Moore College sa Sunnybank sa Brisbane

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory