Coming Up Sat 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Queensland, naitala ang pinakamalaking pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso

Dr Jeannette Young, afisa mkuu wa afya wa Queensland azungumza na waandishi wa habari mjini Brisbane, Jumapili, 1 Agosti, 2021 Source: AAP Image/Jason O'Brien

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 1 2021.

  • Otoridad ng NSW isinusulong ang 80 porsyento na antas ng pagbakuna
  • Kabuuang ng bilang ng mga kaso ng Delta variant sa Queensland pumalo sa 18
  • 4 na bagong kaso sa Victoria konektado sa naunang outbreak
  • Mahigit sa 40 porsyento ng mga Australyano na nasa edad 16 pataas nakatanggap na ng unang bakuna

New South Wales 

Naitala ng NSW ang 239 bagong locally acquired cases, halos 61 na katao ay nakahalubilo sa komunidad habang sila'y nakakahawa, o nasa incubation period. Mahigit sa kalahati ng mga bagong kaso ay hindi pa natukoy ang pinagmulan ng impeksyon.

Ayon kay Dr Jeremy McAnulty ng NSW Health, sa 54 na nasa intensive case, 49 ay hindi nabakunahan.

Hanapin dito ang listahan ng mga vaccination clinics.

Queensland

Naitala ng Queensland ang 9 na bagong locally acquired cases, pinakamataas na bilang ng community cases sa loob ng higit isang taon.

Sinabi ng Queensland Chief Health Officer na si Dr Jeanette Young, mabilis na tumataas ang mga kaso, at hinimok niya ang mga miyembro ng komunidad na magpasuri.

11 local government areas sa South East Queensland ay nasa ilalim ng 3-araw na lockdown at itinuturing ngayon na national hotspots, kwalipikado para sa tulong pinansyal.

Hanapin dito ang listahan ng mga exposure sites. 

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa buong Australia
  • Victoria naitala ang 4 na bagong locally acquired cases, lahat ay konektado sa mga kasalukuyang outbreak at lahat ay naka-quarantine habang sila'y nakakahawa.

  • Ipinapakita ng mga bagong tala na mahigit 40 porsyento ng mga Australyano na higit 16 ang edad ay nabakunahan na ng unang dosis ng COVID-19 vaccine.

 

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumiyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, i-click ang link na itoMayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa Smart Traveller website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo::

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory

This story is also available in other languages.