Coming Up Tue 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Regional town ng Cowra sasailalim sa lockdown matapos magtala ng isang mystery case

The regional town of Cowra in NSW. Source: Getty Images/ The Image Bank RF

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 20, 2021

  • Regional town  ng Cowra, sasailalim sa lockdown simula alas-singko ngayong hapon
  • Libo-libong vaccine appointments pwede nang ma-access ng mga taga-Victoria
  • Pfizer bookings sa ACT, binuksan para sa mga batang may edad 12 hanggang 15
  • Isang byahero, nagpositibo sa COVID-19 sa Northern Territory

 

New South Wales

Nagtala ng 935 na bagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at apat ang namatay. Sa ngayon, umabot na sa 52.7 per cent ang nabakunahan ng dalawang dose sa estado.

Sa Cowra, nagpositibo sa virus ang siyam na taong gulang na batang lalaki at nadagdagan pa ang bilang ng natukoy na exposure sites. Dahil dito, sasailalim sa lockdown ang regional town ng Cowra simula alas-singko ngayong hapon. Hinihikayat ng otoridad na manatili sa bahay ang sinumang bumisita sa lugar na ito simula Setyembre 13. Hindi pa natutukoy sa ngayon kung saan nagmula ang impeksyon. At may natagpuan ding traces ng virus sa Darreton sa western NSW.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.

Victoria

May naitalang 567 na bagong kaso ng COVID-19 at isa ang namatay.

Ayon kay Premier Daniel Andrews, mayroong 4,800 Astrazeneca vaccine appointments at higit 2,000 appointments naman para sa Pfizer vaccine ang pwedeng ma-access ng mga taga-Victoria.

Iginigiit din nya na huwag maghintay para sa Pfizer vaccine sa kabila ng abiso ng National Cabinet kaugnay sa dagdag na supply nito sa darating na Oktubre.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

Australian Capital Territory

May naitalang pitong bagong kaso ng coronavirus sa Australian Capital Territory.

Ayon kay ACT Chief Minister Andrew Barr, umabot na sa 55 per cent ang antas ng nakakuha ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

At simula ngayon, pwede na magbook ng Pfizer appointment ang mga batang may edad 12 hanggang 15.

Magpabook ng COVID-19 vaccination. 

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory

This story is also available in other languages.