Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 Update: Victoria, naabot na ang 90 porsyentong double vaccination rate; Travel bubble ng Queensland, pinag-aaralan na

Premier Daniel Andrews said Victoria is 'one of the safest places anywhere in the world' after the state surpassed 90 per cent double vaccination target. Source: Getty Images

Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong ika-25 ng Nobyembre 2021.

  • Travel bubble sa pagitan ng NSW at Queensland, pinag-iisipan ni Queensland Premier Annastacia Palaszczuk matapos may naitalang kaso ng coronavirus sa Byron Bay.
  • Ayon kay Northern Territory Chief Minister Michael Gunner, galing umano sa ibang bansa ang mga kumakalat na maling impormasyon. Kaya nais nito ipaalam sa mga residente, na makinig lamang sa mga sasabihin ng Traditional Elders. 
  • Hinihikayat ni Victorian Premier Daniel Andrews ang mga residente na makitungo ng maayos sa mga retail staff at servers na nagpapatupad ng mga COVID-19 protocols.
  • Tinukoy na 'high risk' ang sinumang babyahe sa Australia na manggagaling ng Katherine LGA at kinakailangan umano mag-quarantine nang hanggang pitong araw. 
  • Papayagan nang mag-apply ng replacement visa ang may hawak ng Temporary Graduate (sublclass 485) visa na hindi makabyahe dahil sa international border restrictions.

COVID-19 STATS:

Victoria: Nagtala ng 1,254 na panibagong kaso at lima ang naiulat na namatay

NSW: Nagtala ng 276 na bagong community cases

ACT: Nagtala ng walong bagong kaso

NT: May isang bagong kasong naitala


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 

This story is also available in other languages.