Coming Up Thu 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Victoria, nagtala na naman ng panibagong rekord na pinakamataas na kaso ngayong araw

Watu wajaa ndani ya jengo lakifalme la maonesho ambako chanjo za COVID-19 zatolewa mjini Melbourne Alhamisi, Septemba 2, 2021. Source: AAP Image/Daniel Pockett

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 5, 2021

  • Libo-libong vaccine appointments pwede nang ma-access sa Victoria
  • Double vaccination rate sa New South Wales, pumalo na sa 67.5 per cent
  • Higit 94 per cent ng mga residente sa Canberra, nakakuha na ng unang dose ng bakuna
  • At sa Queensland, walang naitalang bagong kaso ng coronavirus

Victoria

Nagtala ng 1,763 na panibagong kaso ang Victoria, pinakamataas na naitala simula nang mag-umpisa ang pandemya. Apat naman ang naiulat na namatay.

Ayon kay Premier Daniel Andrews, libo-libong vaccine appointments ang pwede nang i-book ng mga residente para sa Pfizer, Astrazeneca at Moderna vaccines.

Simula ngayong araw, bubuksan na ang mga construction sites saVictoria.  Pero papayagan lamang  bumalik sa trabaho ang mga empleyado, kung sila ay bakunado na at kinakailangan din nila sumunod sa ilang mga patakaran para maging COVID-safe.

Magtatapos na ang lockdown sa Latrobe Valley simula ngayong hatinggabi

 Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

New South Wales

Nagtala ng 608 na panibagong kaso ang New South Wales at pito ang namatay,

Pumalo na sa 88.5 per cent ang mga residenteng nakakuha na ng isang dose ng bakuna na may edad disi-sais pataas, habang umabot na sa 67.5 per cent ang nakakumpleto na ng bakuna.

Magtatagal pa hanggang Oktubre 11 ang stay-at-home orders sa ilang lugar sa NSW, dahil sa patuloy nap ag taas ng mga kaso ng COVID-19. Kabilang dito ang Taree, Forster-Tuncurry at Muswellbrook.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment

Australian Capital Territory

Sa  naman ay may naitalang 33 na panibagong kaso, at labing-apat sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Umabot naman sa 94 per cent ang mga nakakuha na ng unang dose, na may edad dose pataas, habang nasa 65 per cent na ang nakakuha na ng kumpletong bakuna.

Magpabook ng COVID-19 vaccination.  

This story is also available in other languages.