Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 29, 2021
- COVID-19 disaster payments, babawasan na ng gobyerno sa sandaling maabot ang 70 percent na vaccination rate
- Victoria, nagtala ng panibagong 950 na kaso ng coronavirus
- At papayagan nang bumisita sa aged care ang dalawang tao na may kumpletong bakuna
Victoria
Nagtala ng 950 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria at pito ang naiulat na namatay.
Nagluwag na ng ilang restriksyon ang estado pero sasailalim sa pitong araw na lockdown ang La Trobe Valley region para mapigilang lumobo ang mga kaso ng COVID-19. Ang outbreak ay konektado sa isang pagtitipon sa bahay.
Simula ngayong araw, dadagdagan na ang travel limit ng hanggang 15 kilometro para sa mga residente ng metropolitan Melbourne. Papayagan na din ang mga contactless sports katulad ng tennis at golf.
Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.
New South Wales
Nagtala ng panibagong 863 na kaso ng COVID-19 ang estado at labinlima ang namatay. Ayon kay NSW Premier Gladys Berejiklian, mas mababa pa sa inaasahang bilang ang mga naoospital dahil sa virus.
Simula Oktubre 11, papayagan na ang hanggang dalawang katao na may kumpletong bakuna na bumisita sa mga residente ng aged care kada araw.
Sa ngayon, nasa 86.2 per cent na ang makakuha ng unang dose ng bakuna, 61.7 per cent naman ang nakakuha na ng pangalawang dose, 44.5 percent ay mga batang may edad dose hanggang kinse na nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.
Queensland
Nagtala ng isang panibagong kaso ng coronavirus ang estado, hindi kasama sa bilang ang isang naitalang kaso na natukoy sa NSW.
Kinakailangan na rin magsuot ng mask ang mga residente ng Gold Coast City Council area.
Ayon kay Chief Health Officer Jeannette Young, hindi pa kailangang magpatupad ng lockdown sa ngayon, pero maaari pang magbago ito sakaling magkaroon ng mas maraming hawaan sa komunidad.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permit, Overseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update Smart Traveller website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.
Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
NSW
Victoria
Queensland
South Australia
ACT
Western Australia
Tasmania
Northern Territory
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:
NSW
Victoria
Queensland
South Australia
ACT
Western Australia
Tasmania
Northern Territory