Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 13, 2021
- Victoria, nagtala ng rekord na bilang ng namatay dahil sa COVID-19
- NSW, nakatakdang maabot ang 80% na full vaccination rate ngayong linggo
- At daan-daang exposure sites natukoy sa ACT
Victoria
Nagtala ng 1571 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria at labingtatlo ang namatay.
Ipapatupad na ang paggamit ng Rapid Antigen Testing para sa mga bibisita sa Royal Children’s Hospital sa Melbourne. Ito’y matapos bumisita ang isang magulang sa neonatal intensive care ward ng ospital at hinihinalang positibo sa virus.
Pansamantala din munang ititigil ang mga elective surgery sa ospital.
Ayon kay State Health Minister Martin Foley, tatapusin na ngayong gabi ang lockdown sa Mitchell Shire, sa Hume region.
Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.
New South Wales
Nagtala ng 444 na panibagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales at apat ang namatay.
Inaasahan din na maaabot na ng estado ang target na 80% full vaccination rate ngayong darating na Linggo.
Ayon kay Premier Dominic Perrottet, posibleng magkaroon ng amyenda sa Roadmap ng estado at pag-uusapan ito sa pagpupulong ng gabinete bukas. Inaasahang iaanunsyo ang mga pagbabago ngayong Biyernes.
Sa ngayon, umabot na sa 75.2 per cent ng mga residenteng may edad disi-sais pataas ang kumpleto na ang bakuna, habang 90 percent naman ang nakakuha na ng isang dose.
Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.
ACT
Sa Australian Capital Territory naman, ay may naitalang 51 na panibagong kaso ng COVID-19. Sa 16 na pasyente na nasa ospital, walo ang nasa intensive care at lima ang nangailangan ng ventilator.
Umabot na sa 370 ang natukoy na exposure sites at nanawagan ang gobyerno sa lahat ng mga residente ng Canberra na i-check ang ACT COVID-19 website para sa listahan ng mga bagong exposure sites.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- 1,000 healthcare workers mula ibang bansa, planong i-recruit ng Victoria para matugunan ng estado ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19
- At ACT, inaasahang maaabot ang 99-per cent double-dose rate bago matapos ang Nobyembre.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permit, Overseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update Smart Traveller website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.
Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
NSW
Victoria
Queensland
South Australia
ACT
Western Australia
Tasmania
Northern Territory
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:
NSW
Victoria
Queensland
South Australia
ACT
Western Australia
Tasmania
Northern Territory