Coming Up Sat 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 update: Victoria nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases, NRL grand final tuloy ngayong weekend

People are seen crossing Bourke Street in Melbourne. Source: AAP/DANIEL POCKETT

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 2, 2021

  • Victoria pumalo sa 1,488 panibagong COVID-19 cases ang naitala
  • NSW nakapagtala ng 813 panibagong COVID-19 cases
  • ACT nakapagtala ng 52 panibagong COVID-19 cases
  • Queensland may dalawang panibagong kasong naitala mula sa home quarantine
Victoria

Pumalo sa 1,488 panibagong kaso ng COVID-19 at dalawang kamatayan ang naitala sa Victoria. Ito ang pinakamataas na naitala ng estado simula ang Delta outbreak. Sa kasalukuyan, may 429 katao ang isinugod sa ospital habang 97 ang nasa icu at 54 ang naka-ventilator.

Nasa tier 1 ng  Victoria's COVID exposure site list ang ilang mga medikal na pasilidad kabilang dito ang mga regional sites sa Warrnambool, Shepparton, Gisborne, East Bendigo, Muckatah at Ballarat. 

Inanunsyo ni Treasurer Tim Pallas ang $196.6 million na support package na magbibigay ng one-off payment sa mga eligible na negosyo kabilang ang mga sole traders simula ika-21 ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

New South Wales 

Nakapagtala ang NSW ng 813 panibagong COVID-19 cases at sampung kamatayan.

Mayroong 1,005 katao sa NSW ang nasa ospital, 202 katao ang nasa icu, habang 99 ang naka-ventilator.

Hinimok ni Dr Jeremy McAnulty ng NSW Health ang mga residente na sumunod sa patakaran at iwasan na muna ang mga illegal na pagtitipon sa mga kabahayan bago pa man ang Rugby League Grand Final ngayon weekend na gaganapin sa Brisbane.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment

 

Victoria vs NSW case numbers
SBS

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory

 
This story is also available in other languages.