Coming Up Sat 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

COVID-19 Update: Wala ng PCR test sa Queensland para sa interstate travellers

Rapid antigen tests are available in supermarkets and pharmacies across Australia. Source: AAP/Lukas Coch

Ito ang pinakabagong update sa Coronavirus sa Australya para sa 29 Disyembre 2021.

  • Inanunsyo ni Premier Annastacia Palaszczuk na wala ng mandatory PCR tests kung papasok ka sa Queensland mula Enero 1. Rapid antigen testing na lamang ang gagawin.

  • Magpupulong ang National Cabinet sa Huwebes upang pag-usapang ang COVID-19 testing requirements sa bansa patungong Bagong Taon.

  • Halos dumoble ang bilang ng tinamaan ng virus sa NSW nitong 24 oras na mayroong 11,201 bagong kaso

  • Makakatanggap na ng libreng rapid antigen tests and mga Victorians mula Enero matapos magtala ng pinakamataas na case tally sa estado.

  • Naubusan na ng rapid antigen tests ang mga Victorian border towns pagkatapos baguhin ang South Australia entry requirements.

  • Ibinababa na ng ACT Health ang risk assessment ng ilang exposure sites habang hirap na ang tracing at testing resources 

  • Sa US, kinalahati na lamang ng US health officials ang isolation time para sa mga taong asymptomatic sa COVID-19 mula 10 pababa ng limang araw upan tugunan ang kakulangan ng staff.

COVID-19 STATS:

May 11,201 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW at tatlo ang namatay, habang may 3,767 na-report na bagong kaso sa Victoria at limang namatay.

Nagtala ng 1,589 na bagong kaso sa komunidad, 1,471 sa South Australia at 252 sa ACT

May 55 na bagong kaso ng COVID-19 sa Tasmania.

Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita dito


Quarantine and restriksyon kada estado:

Alamin kung ano ang maaari at di mo maaaring gawin sa iyong estado o teritoryo.

Travel

Impormasyon para sa mga international travellers at Covid-19 at travel information sa iyong wika

Pampinansyal na tulong

May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:  Tulong habang may pandemya mula sa Services Australia sa iyong wika


 



Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:

COVID-19 Vaccination Glossary
Appointment Reminder Tool.


Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory


 

This story is also available in other languages.