Coming Up Wed 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Paano mapalakas ang pagkakataong makakuha ng trabaho

Source: Getty Images

Ang paghahanap ng trabaho ay isang hamon para sa mga bagong migrante sa Australya. Narito ang 10 tips mula sa isang job recruitment expert kung papano mapalakas ang iyong paagkakataong makakuha ng trabaho.

Ang pagkuha ng trabaho o pagpalit ng karera ay madali para sa ilan at maaari namang mahirap para sa iba. Pareho itong nangangailangan ng motibasyon at pagbabago ng isip ayon kay Theresa Chua ng DFP recruitment.

“You can change careers or get a job if you have assessed yourself of how you think you'll do it and when. It all comes to what skill sets you feel you can bring into your next career path. A change may require you to create goals such as looking for internal roles and opportunities, starting a new course to get qualified or simply completing some volunteer work in the industry you want to get into.”

Ngunit mahalaga ba sa isang tag-empleyo na ang naghahanap ng trabaho ay nagtataglay ng mga kinakailangang karanasan sa trabaho o kasanayan para sa isang papel?

Sa tingin ni Ms Chua ay magkaiba ang sagot ng mga taga-empleyo dito. Sa kanyang karanasan bilang isang recruitment consultant, pangunahing trabaho nila ay sundin ang kahilingan ng kanilang mga kliyente at kadalasan sa kanila ay nangangailangan ng kasanayan at karanasan. Gayun paman, mayroong mga pagkakataon na kinukuha ng isang taga-empleyo ang isang kandidato na may maliit na karanasan dahil pasok siya sa kultura ng trabaho at may magandang pag-uugali. Maaari din magsanay ang mga taga-empleyo ng kandidato kung sila ay interesado sa kanila.

10 tips upang mapalakas ang iyong pagkakataon na makakuha ng trabaho

Nagbahagi si Ms Chua ng 10 tips upang makatulong sa mga naghahanap ng trabaho na makuha ang gusto nilang trabaho:

1. Kung ang isang bagong industriya ay nangangailangan ng kwalipikasyon o sertipkasyon, mag-plano ng maaga kung kailan makakapangakong mag-aral.

2. Kung nagtatrabaho na dito, maghanap ng mga oportunidad sa loob, mga bakanteng posisyon at mag-apply.

3. I-update ang iyong resume at ihanda ang iyong cover letter.

4. Gumawa o i-update ang iyong Linkedin profile dahil minsan ay dito naghahanap ang mga HR/Recruiters at baka sila ay mapunta sa iyong profile.

5. Makipag-ugnay. Ipaalam sa iyong pamilya at mga kaibigan na bukas ka sa mga oportunidad at tawagan ka kung may mga trabahong bukas. Patuloy din na maghanap online at mag-apply. Mabuting simulan ang paghahanap sa pamamagitan ng Seek.com.au .

Current job seekers
Getty Images

6. Pumasok bilang volunteer sa industriyang interesado ka.

7. Isaisip na mag-iwan ng magandang rekord mula sa dating taga-empleyo dahil kakailanganin mo ang mga referees at ang iyong mga potensyal na taga-empleyo ay sabik makarinig ng mabuting tugon.

8. Mag-lista ng 10-15 na kompanyang nais mong pasukan, ipagpatuloy ang pag-check sa kanilang mga website para sa mga bakanteng trabaho o sundan sila sa Linkedin at twitter upang makatangap ng mga update.

9. Magpadala ng expression of interest sa kompanya dahil ito ay nagsasabi sa isang prospektibong taga-empleyo na interesado ka sa trabaho. Ito ang iyong oportunidad na magpadala ng resume at pagkatapos ay maaaring tawagan sila upang itanong ang kalagayan ng iyong aplikasyon.

10. Kapag nakipag-usap sa isang HR/Recruiter, siguraduhing magbigay ng maikli subalit malamang sagot. Maging tiyak at mapanatag ang loob.

Hinihikayat din ni Ms Chua ang mga bagong migrante na naghahanap ng trabaho na manatiling matiyaga dahila ang pagsisimula sa ibang bansa ay mapaghamon.

“I know Filipinos are hard workers especially when they start out abroad, and if it means that you need to start from below and work your way up, then so be it, it goes back to our mindset and focus.”

Makinig sa SBS Filipino 10am-11am 

Sundan kami sa Facebook