Sundin ang anim na payo upang matiyak na masaya at ligtas ang inyong araw sa tabing-dagat!
1. Palagiang lumangoy sa pagitan ng mga pula at dilaw na bandila
Kapag nakakita kayo ng mga bandila na may kulay pula at dilaw sa mga tabing-dagat, ito ay palatandaan na mayroong kasalukuyang serbisyo ng pagliligtas ng buhay o lifesaving service sa tabing-dagat na iyon.
2. Basahin ang mga palatandaan ng kaligtasan
Bago magtungo sa tabing-dagat, siguraduhing basahin ang mga palatandaan ng kaligtasan.
3. Magtanong sa lifeguard para sa payo ng kaligtasan
Ang mga lifeguard ay lubos na may pagsasanay at kaalaman tungkol sa kaligtasan at mga kondisyon sa tabing dagat.
4. Lumangoy kasama ng kaibigan
Habang kayo ay magkasamang naglalangoy maaari ninyong bantayan ang isa't isa.
5. Sakaling kailanganin ang tulong, manatiling kalmado at tumawag ng pansin ng iba
Kung kailangan ninyo ng tulong ng isang lifeguard upang makabalik sa pampang, manatiling kalmado, itaas ang inyong kamay at ikaway-kaway ito.
Ang syempre, huwag kalimutan :
6. Slip, Slop, Slap
'SLIP on a T-Shirt (magsuot ng t-shirt), SLOP on some sunscreen (maglagay ng sunscreen) at SLAP on a hat (maglagay ng sumbrero)' mga tanyag na payo na matagal nang inirerekomendad ng Australian Cancer Council upang manatiling ligtas mula sa sikat ng araw habang kayo'y nasa tabing-dagat.
Sa mga panahon ngayon, dinagdagan nila ang mga payong ito at kasama na ang SEEK shade (humanap na lilim) at SLIDE on some sunglasses (magsuot ng proteksyon sa mata).
Para sa mga dagdag na kaalaman magtungo sa Cancer Council website at panoorin ang bidyo ng kanilang kampnaya dito: