Ang malaking epekto ng karaniwang sakit na migraine

Milyun-milyong Australyano ang nakakaranas ng migraine, kung saan ito ay pinagkakagastusan ng $35.7 bilyon kada taon, ayon sa bagong report.

It's more than just a headache

It's more than just a headache Source: fStop/Getty Images

Nang magsimulang makaranas si Trish Mumford ng migraine noong siya ay teenager noong dekada 60, isa sa iminungkahing solusyon sa kanya ay ang paggupit sa kanyang buhok. 

Kung kaya't noong siya ay 15 taong gulang pa lamang, ginupitan na siya ng buhok. 

"The information my parents was given was that the weight of the hair on my scalp was causing headaches," she said.

"That's how basic things were."

Sa nakalipas na 50 taon, ang Sydneysider ay paulit-ulit na na nadala sa emergency room sa ospital dahil sa migraine, na nagdulot din ng pagsusuka at dehydration. 

Ngunit ang kondisyong ito, kung saan ang mga sintomas ay kinabibilangan ng pagsakit ng ulo, ay naging mabigat na pasanin sa buhay ng 63 taong gulang. 



Dahil sa kondisyong ito, nakaapekto din ito sa kanyang desisyon na magbakasyon, magpunta sa social events, pati na rin sa kanyang karera. 

"I've opted for less challenging career paths in nursing because I didn't know whether I would cope with them, and whether that would trigger more migraine," sabi niya.

"Sometimes your choices aren't really what you want, but what you feel that you could cope with if you have a headache."

Sinabi niya na nakaaapekto din ito sa kanyang finances dahilan sa mga kailangan niyang bilhin na mga gamot at sa kanyang trabaho. 

Nagkaroon ng pagbabago sa dalas na makarananas siya ng migraine sa buong buhay niya, kaakibat nito ang pagiging epektibo ng gamot na ginagamit niya upang mabawasan o mawala ang sakit. 

Ngunit hindi naman nabago ang pagwawalang bahala sa sakit na ito ng mga tao, pati na rin ng mga doktor. 

"It's more than just a headache," sabi niya

Pinatunayan naman ng bagong ulat na ang migraine ay may hindi makatwirang epekto. 

Ayon sa Deloitte Access Economics Migraine sa Australya, kabilang sa mga nagastos ay umabot sa $14.3 bilyong halaga ng gastos sa health system, $2.2 bilyon dito ay binabayaran ng mga nakakaranas ng kondisyong ito. 

Umabot halos ng $16.3 bilyon ang danyos sa ekonomiya dahilan sa lost productivity. 

Mayroong hanggang 4.9 milyong Australyano ang nakakaranas ng migraine, kabilang ang halos isa sa tatlong kababaihan at halos isa sa 10 lalaki, ayon sa ulat. 

Ipinapakita na aabot sa halos $27,803 ang kanilang gastos kada taon dahilan sa naturang kondisyon. 

Ayon sa neurologist na naka-base sa Sydney, ang bilang ay "nakababahala" at naniniwala siya na maraming mga taong nakakaranas ng migraine na hindi nagagamot nang maayos. 

Karamihan sa mga tao na nakakaranas ng migraine ay kinakailangang uminom ng preventative medications, sabi niya. 

"There are definitely things that can be improved there," sabi niya.

"Part of that is also education, of course, with health professionals and giving them the right approach to treating patients."

Si Ms Mumford, na kasalukuyang nakararanas ng migraine nang higit siyam na beses kada buwan at gumagamit ng botox treatment, ay nagsabi na inaasahan niyang mas mabibigyan ng pansin ang kondisyong ito. 

"Just being believed is a big thing," sabi niya. 

Inaasahan din niya na ang mga natuklasan ay maghihikayat na mas madaling ma-access at mabili ang mga gamot para sa kondisyong ito. 

Follow SBS Filipino on Facebook


Share

Published

Updated

Source: AAP

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand