Coming Up Fri 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Climate change: Isang tao bawat segundo ang inililikas mula sa kanyang tahanan dahil sa epekto ng global warming

Rohingya Muslim women, stand holding their sick children to seek medical assistance across the border in Palong Khali, Bangladesh, Wednesday, Oct. 18, 2017 Source: AP/Dar Yasin

Napakahalaga ang nalalapit ng pagpupulong sa usaping climate change sa Glasgow, dahil tinatayang isang tao bawat segundo ang inililikas mula sa kanyang tahanan dahil sa masamang epekto ng global warming. Ang tindi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, bagyo, pagbaha, sunog sa kagubatan at tagtuyo, saan sila tutungo? Sa ngayon, walang mapagpipilian ang mga ito dahil wala namang sapat na batas at proteksyon na kanilang masasandalan sa panahong naiipit sila sa peligro.

Habang mainit na pinagdedebatihan ngayon ng mga  lider ng maraming bansa ang itinakdang target  para bawasan ang greenhouse emission  patungo sa net zero sa taong 2050,  perodapat malaman ng lahat na may dalang peligro ito kapag hindi ito matugunan.

Dahil ayon sa World Bank sa taong 2050, ang climate change ang nagiging dahilan para ang  tinatayang  216 milyong katao sa ilang rehiyon sa buong mundo ang napapalayo  mula  sa kanilang kasalukuyang tinitirahan.


 

Highlights

Ayon sa Kaldor Centre for Internation Refugee Law Director Jane McAdam 75 porsyento ng paglikas ay dahilan ng kalamidad, 25 percent lang dahil sa kaguluhan o gyera

May babala ang mga eksperto, 42 na maliliit na bansa ang malulubog sa tubig dahil sa climate change kung hindi tugunan ang isyu 

Ang mga paglilikas at pagkakahiwalay ng mga tao sa buong mundo ay lala kapag hindi gawan ng solusyon ang problema sa global warming 


 

Kapg magkaisa ang lahat at  agad umaksyon nasa 80 porsyento lang ang  pwedeng apektado. Ito ngayon ang pinatutuonan ng pansin ng Kaldor Centre for International Refugee Law, kung saan tatalakayin ang maraming isyu tungkol sa  pag-pagkawatak-watak o paglikas ng mga tao dahil sa global warming.

Ayon kay Centre Dierctor Jane McAdam, ito ang dahilan nang maraming kalamidad na nagpapahamak sa maraming tao.

" Dahil sa global warming 80 per cent ng mga paglilikas ay dahil sa dala nitong kalamidad sa loob ng higit 10 taon dito sa South Asia Pacific region.  Noong nakaraang taon lang, 31 milyon katao ang apektado nito. "

Dagdag ng McAdam, dahil sa dalang kalamidad ng global warming 75 percent  ang natatapon kahit saan palayo sa kanilang lugar kompara sa  gyera o kaguluhan na umaabot lang sa 25 percent.

" Nararamdaman na natin ang masamang epekto ng climate change ngayon, at sa susunod ng mga taon seguradong mas lalala pa ito. Ngayong, ala natin nagsisimula ng tumaas ang lebel ng tubig sa dagat,"

Ang nararanasang  mabagsik na sunog sa kagubatan, bagyo, pagbaha at tagtuyo ang dahilan kung bakit maraming  tao sa buong mundo ang sinasabing walang katiyakan ang buhay. Dahil sa patuloy na paglikas mula sa kanilang mga kinagisnan na lugar.

Ayon sa taga-Australian Red Cross na si  Jessica Van Son, kailangan umaksyon para maiwasan ang relokasyon o paglikas ng maraming tao.

"Kung hindi maiiwasan ang mga paglikas dapat sila ay mabigyan ng proteksyon, suporta at  tulong matapos ang isang kalamidad. "

Dagdag ni McAdam, dahil wala namang kinilalang batas na  bumabalangkas  tungkol sa  climate refugee, at sa patuloy na may nangyayaring pagtaas ng  lebel ng tubig dagat sa Pacific Islands, ito ngayon ang nagiging  mitsa ng kanilang buhay.

" Sa ngayon wala pang pormal na international legal framework at kasunduan na pwede na ang paglipat-lipat ang mga tao  sa Pacific, gaya lang ng Australians at New Zealanders, na malaya labas-pasok ng bansa."

Kaya sa gagawing pag-uusap sa Glasgow, gusto ng mga lider ng buong mundo na magkaisa  ang lahat para makabuo ng mapangahas na kasunduan  para tuluyan nang  mabawasan ang epekto ng global warming .

" Kahit na mabawasan ang emission ng carbon ngayon hindi pa rin maiiwasan ang mga paglilikas, kailangan paghandaan ito at seguraduhing ang mga tao ay mabigyan ng sapat na suport at tulong."

At muling may babala ang mga eksperto, na maraming bansa ang lulubog sa tubig dala ng climate change.

Pinatunayan naman ito ni  Tala Mauala mula sa  Red Cross ng bansang  Samoa, tinatayang nasa apat na milimetro ang itinataas ng lebel ng tubig sa dagat sa kanilang lugar simula taong 1993.

Sabi nito parang nilamon ng tubig ang kanilang lugar, dahilan upang apektado ang supply ng isda at halamang dagat.

" Maraming mga pamilya ang dati nanirahan sa mga baybayin pero dahil mahina ang huli ng isda , umalis na lang sila , dahil hirap na ang kanilang pamumuhay doon."

Noong taong 2009 dahil sa tsunami marami ang inilikas papunta sa matatas na lugar. At ang iba naman ay pumuta dito sa New Zealand at Australia, para makipagsapalaran sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa bukid.

" Nag-iba na ang pamumuhay sa lugar. Dati marami kang nakikitang namamangka sa dagat ngayon konti na lang kahit sa gabi kaunti na lang ang nangingisda."

Dahil dito, ang mga lider sa mayayamang bansa  sa buong mundo  gaya Amerika ay nakikinig sa kahihinatnan ng international humanitarian. At gusto din nitong suriin kung paano makakatulong sa mga inilikas o tinapon na mga residente  dahil sa dalang epekto ng global warming.

Sa ngayon,  kinaltasan ng bansang New Zealand ng higit 1.2 bilyong dolyar  ang kanilang budget sa foreign aid , para makatulong sa ibang bansa na  lubhang naapektuhan ng global warming, habang ang United Nations Human Rights Council  naman, ay kinilala  sa unang pagkakataon, ang karapatan  ng lahat ng tao na magkaroon ng malinis, malusog  at maayos na kapaligiran.

At ang UN na din ang mangangasiwa upang maipagpatuloy na  maproteksyonan at ma-itaguyod  ang karapatang ng mga tao nang  maibsan ang epekto ng climate change.

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Climate change: Isang tao bawat segundo ang inililikas mula sa kanyang tahanan dahil sa epekto ng global warming 19/10/2021 07:08 ...
Australyano nakakaranas ng lubhang stress 09/12/2021 05:01 ...
Mga balita ngayong ika 9 ng Disyembre 09/12/2021 13:52 ...
Mga balita ngayong ika-8 ng Disyembre 08/12/2021 09:13 ...
Australia magsasagawa ng diplomatic boycott sa 2022 Winter Olympics sa Beijing 08/12/2021 01:53 ...
Provisional approval para sa Pfizer vaccine sa mga bata 5-11 taong gulang 08/12/2021 10:02 ...
Sapat na ba ang ipon mo para pasukin ang Self-Managed Super Fund (SMSF)? 07/12/2021 10:58 ...
Mga balita ngayong ika-7 ng Disyembre 07/12/2021 09:46 ...
Alamin ang pagbabalik ng mga unang international students sa Australia 07/12/2021 08:01 ...
'Sound of Christmas from Asia Pacific': Ipinagdiriwang ang iba't ibang kultura ng Australia 06/12/2021 12:53 ...
View More