Coming Up Sun 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
THE ULURU STATEMENT FROM THE HEART IN YOUR LANGUAGE

Filipino: The Uluru Statement from the Heart

Source: Jimmy Widders Hunt

Buwan ng Mayo taong 2017, nang magtipon-tipon ang mga delegado ng Aboriginal and Torres Strait Islander para sa First Nations National Constitutional Convention na ginanap malapit sa Uluru at inilahad ang Uluru Statement from the Heart para sa mga ninuno ng Australia. Panawagan ng pahayag na ito ang pagbuo at pagsama ng First Nations Voice sa Parlyamento at Konstitusyon para mabigyan ng katuparan at katuturan ang ugnayang ito. Bilang pagtatapos sa ginawang dayalogo ng 13 Regional Dialogues sa buong Australia, kasama ang komunidad ng First Nations. Natatanging hangad nito na mabuo ang matatag na ugnayan ng First Nations at mamamayan ng Australia sa ngalan at diwa ng katotohanan, katarungan at kalayaan. Musika mula kay Frank Yamma. Larawan kuha ni Jimmy Widders Hunt.

Binibigay namin ang pahayag na ito mula sa aming damdamin, kasama ang mga kasapi ng National Constitutional Convention noong taong 2017. Ang mga tribo ng Aboriginal and Torres Strait Island ang kauna-unahang may karapatan, pagmamay-ari  at hurisdiksyon sa buong kontinente at karatig - isla ng Australia.

Pinanghahawakan nila ang kanilang mga karapatan at pagmamay-ari sa bisa ng mga batas at kinagawian ng bansa.

Kinikilala ito maging ng ating mga ninuno bilang bahagi nang paglikha ng mundo at kumakatawan sa kinikilala ng agham na bumuo sa mundong ginagalawan, higit 60,000 taon na ang nakakalipas.

Ang diwa ng karapatan at kapangyarihang taglay ay may spiritwal na aspeto. Tumutugon ito sa ugnayan at pananatiling konektado ng mga mamamayan ng Aboriginal and Torres Strait Island sa lupain kung saan sila isinilang at muling ihihimlay sa kalaunan.

Ang natatanging ugnayan na ito ang basehan ng karapatan at kapangyarihan na ni minsan ay hindi binawi at umiiral kasabay ng kapangyarihan ng gobyerno.

Sa pamamagitan ng pagababago at reporma sa ilang probisyon ng Konstitusyon, tiwala kami na kapangyarihang ito ay buong-buong kakatawan sa pagkakakilanlan ng bansang Australia.

Kami ang palaging tinutuligsa at kadalasanan inilalayo ang kabataan sa kanilang mga pamilya. Kapag taglay ang kapangyarihan sa ating tadhana, magagabayan ang mga bata sa kanilang pag-usbong at makikilala nila ang dalawang mundong naiiba ang kultura. Ito ang magiging kontribusyon nila sa bayan.

Nananawagan kami sa pagbuo at pagsama ng First Nations voice sa Konstitusyon. Ang Makarrata ang tutuldok sa aming paghihirap. Hiling namin ang pagbuo ng Makarrata Commission para mangangasiwa sa kasunduan sa pagitan nang mga gobyerno at First Nations.

Daing namin na maisulong at maipatupad ang mga reporma nang mapunan ang puwang at mapakinggan ang aming tinig.

Noong 1967, kami ay kinilala. Nuong 2017, hiling namin mapakinggan. Lilisanin namin ang kasalukuyang tirahan at lilibutin ang malawak na bansa.

Inaanyayahan namin kayong samahan kami sa aming paglalakbay patungo sa mas maayos na kinabukasan para sa mga mamamayan ng bansa.

 

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Uluru Statement from the Heart sa http://www.ulurustatement.org o i- email ang Indigenous Law Centre, UNSW sa ilc@unsw.edu.au

Alamin ang proseso ng dayalogo  ng First Nations hanggang mabuo ang  Uluru Statement from the Heart.

Isinalin ng SBS ang Uluru Statement from the Heart sa higit 20 Aboriginal na wika, [mula sa mga komunidad ng Northern Territory at Northern Western Australia] at higit 60 wika para bigyang-daan ang patuloy na pag-uusap katuwang ang culturally and linguistically diverse na komunidad.

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Filipino: The Uluru Statement from the Heart 04/11/2020 04:06 ...
Alyawarr: The Uluru Statement from the Heart 04/07/2021 10:05 ...
Anindilyakwa: The Uluru Statement from the Heart 04/07/2021 12:41 ...
Anmatyerr: The Uluru Statement from the Heart 04/07/2021 10:05 ...
Burarra: The Uluru Statement from the Heart 04/07/2021 10:53 ...
Eastern/Central Arrernte: The Uluru Statement from the Heart 04/07/2021 10:03 ...
East Side Kriol: The Uluru Statement from the Heart 04/07/2021 07:35 ...
Kimberley Kriol: The Uluru Statement from the Heart 04/07/2021 09:29 ...
Kunwinjku: The Uluru Statement from the Heart 04/07/2021 08:47 ...
Martu: The Uluru Statement from the Heart 04/07/2021 08:53 ...
View More