Kawalan ng trabaho, nagtulak sa isang chef na magbukas ng online business

Pandemic pushes young chef to start her online business

Job loss due to pandemic pushes young chef to start her online business Source: April Kabigting

Kawalan ng trabaho ang siyang naging tulay upang mailunsad ng chef na si April Kabigting ang kanyang online business.


Highlights
  • Chef na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya nagbukas ng sariling online store
  • Sa puhunan na $1,000 ay nailunsad niya ang kanyang negosyo
  • Nagbebenta siya ng mga produkto mula Australia at pinapadala sa Pilipinas
Handa na sanang maging ganap na chef si April Kabigiting matapos mag-graduate sa kanyang kurso na hospitality major in commercial cookery noong Nobyembre taong 2019.

Ngunit dahil sa pandemya, napilitang magsara ang maraming mga negosyo at lubos na naapektuhan ang sektor ng hospitality at turismo. 

Isa si April sa milyon-milyong Australyano na nawalan ng pinagkakakitaan.

 

Mahirap man ang sitwasyong kinakahaharap ay hindi pinanghinaan ng loob si April.

Sa gitna ng mga dagok na dulot ng COVID-19, na-ilunsad ni April ang kanyang online business.

Sa puhunan na isang libong dolyar ay nagtayo si April ng kanyang online store sa Facebook kung saan ay nagbebenta siya ng mga produkto na mula sa Australia na siya namang ipinapadala sa Pilipinas.

Inamin ni April na bago siya nagsimula ay natakot siya na baka hindi bumenta at masayang ang kanyang puhunan ngunit wala pang ilang buwan ay pumatok ito.
April is now back to work at Boxhill RSL
April is now back to work at Boxhill RSL Source: April Kabigting
Payo ni April sa mga nais pasukin ang pagnenegosyo, huwag matakot na muling magsimula, alamin ang iyong market at maging pasensyoso.

Si April ay patunay na sa gitna ng mga pagsubok, ay may mga posibilidad.

Kamakailan ay nakabalik na din siya  sa kanyang trabaho bilang chef.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Kawalan ng trabaho, nagtulak sa isang chef na magbukas ng online business | SBS Filipino