Coming Up Sun 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Quarantine requirements sa Pilipinas para sa mga Filipino-Australians na nagbabalak bumyahe

Margie Felias postponed travel plans to the Philippines Source: Margie Felias

Nagdadalawang-isip ang ilang Pilipino mula sa Australia na umuwi ng Pilipinas dahil sa umiiral na quarantine requirements sa bansa.

 Ipinagpaliban ni Margie Felias mula Melbourne ang planong pagbabakasyon sa Pilipinas ng tatlong buwan, dahil sa pangamba na baka maipit sa mga pagbabago sa travel restrictions at quarantine requirements ng bansa.

Tulad ng maraming Pilipino, kahit matagal nang inaasam na makapiling ang mga mahal sa buhay, malaking alalahanin para sa kanya ang mauubos na oras at gastos sa isang linggong hotel quarantine. 


 

Highlights

  • Pinapayagan nang bumiyahe sa labas ng bansa ang mga Australian citizen at permanent residents at makabalik na hindi sumasailalim sa quarantine pagpasok ng NSW, Victoria at ACT.
  • Inaprubahan na kamakailan ng pandemic task force ng Pilipinas ang mas maiksing quarantine period para sa mga Pilipinong kumpleto ang bakuna na nagbabalak na umuwi ng bansa.
  • Nananatili ang Australia sa "Yellow list" ng Pilipinas 

 

Sa mga uuwi ng Pilipinas mula sa Australia, dapat makapagpakita ng negatibong PCR test na ginawa sa loob ng 72 hours bago umalis ng bansa. Ikalawang opsiyon ay ang PCR test paglapag sa airport. 

Kailangan din sumailalim sa hotel quarantine kahit fully vaccinated na kung saan magkakaroon ng swab test sa ikatlong araw. Palalabasin lamang ng quarantine facility ang biyahero kapag negatibo ang resulta ng test. Kailangan naman ipagpatuloy ang quarantine sa bahay hanggang sa ika-labing apat na araw. 

Ang mga fully vaccinated travelers na manggagaling sa mga bansa at teritoryong nasa "green list" ay hindi na kailangan mag-quarantine pagdating sa Pilipinas.

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Quarantine requirements sa Pilipinas para sa mga Filipino-Australians na nagbabalak bumyahe 17/11/2021 09:25 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Enero 22/01/2022 05:49 ...
Ilang botika sa Pilipinas nagtuturok na ng COVID-19 booster shots 21/01/2022 05:03 ...
Mga problema sa buhok nakakawala ng kumpiyansa sa sarili ayon sa survey 21/01/2022 10:33 ...
Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Australya, lumampas na ng dalawang milyon 21/01/2022 05:43 ...
Pinay Footballer, pangarap na makapasok ang Pilipinas sa World Cup 21/01/2022 08:06 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Enero 21/01/2022 08:12 ...
WHO: Hindi pagkakapantay-pantay sa pagkuha ng bakunang gamot pinakamalaking banta ng Covid-19 sa buong mundo 20/01/2022 07:04 ...
Ano nga ba ang mga benepisyo ng pagiging dual citizen sa gitna ng pandemya? 20/01/2022 07:04 ...
Maliliit na negosyo umaaray sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya 20/01/2022 03:59 ...
View More