Kaya’t nagtakda siya ng layunin — na siya ay gagawa ng isang regalo bawat araw para sa isang batang nangangailangan, sa lahat ng 365 araw ng taon. At bilang resulta nito, nilalang ang tinawag niyang Project 365 by Campbell.
Sa kasalukuyan makalipas ang ilang taon, si Campbell ay nakagawa ng kagulat-gulat na mga mahahabang hakbang tungo sa kaniyang layunin. Gumawa siya ng iba ibang uri ng regalo, karamihan ay mga teddy bear, para sa mga bata sa ospital at para sa mga sentrong namamahagi ng mga regalo.
Gumagawa siya ng espesyal na mga teddy bear, na ino-auction niya para makalikom ng pera para sa mga nangangailangan.
Para sa kaniyang inspirasyon sa proyektong ito, sinabi niya na siya ay nalungkot na malamang ang mga bata ay nasa ospital sa araw ng Pasko, at nais niyang sorpresahin ang mga ito upang sila ay magkaroon ng ngiti sa kanilang mga labi.
At tunay nga na hindi lamang niya napapangiti ang mga batang may sakit, sa halip ay napapasaya pa niya ang mga ito.
Ang tanong namin sa inyo…Kaya ba ninyong tularan ang mabuting gawain ni Campbell?
Magbigay ng inyong opinyon at kuro-kuro at ibahagi sa inyong mga kakilala ang kuwentong ito.
