ALAM MO BA: What is the Diwali Festival and how is it celebrated in Australia?

Diwali Festival. Image credit: Canva
Did you know that thousands of people across Australia come together for Diwali Festival? Let’s find out how they celebrate it!
Dagdag kaalaman na mabilis tandaan. Pakinggan sa
Alam Mo Ba? Diwali! Diwali Festival! Lagi natin
itong naririnig sa komunidad ng South Asian at
ipinagdiriwang sa Australia at sa buong mundo.
Pero alam mo ba kung ano at para saan ang
selebrasyon na ito? Ang Diwali na tinatawag ding
Deepavali Bandi Chor Divas o Tihar, sa iba't ibang
bansa sa South Asia ay Festival of Lights na
nagmula sa Indian subcontinent. Nagbabago ang
petsa nito kada taon base sa lunar calendar at
aabot sa limang araw ang selebrasyon. Sa panahon
ng kapistahan, nagsisindi ang mga tao ng oil lamp
o tinatawag na diyas o lampara na gawa sa clay o
luwad na lupa. Pwede rin gumamit ng kandila o
lanterns para pailawan ng kanilang mga tahanan,
templo at lugar trabaho. May ilang maliliit na
pagkakaiba sa paraan ng pagdiriwang sa iba't ibang
bansa. Pero ang pangkahalatang tema ay ang
pagunita sa tagumpay ng kabutihan kontra kasamaan
at panahon din ang pagpapasalamat at pagdarasal sa
mabuting kalusugan at kaginhawaan. Panahon din ito
ng pagsasama-sama ng mga pamilya, komunidad at mga
asosasyon. Alam mo ba? Alam mo ba?