Narito tayo ngayon sa FECCA Conference 2025
kasama natin si Ms Roxanne Sarthou
ang CEO ng FCCVI o Filipino Communities Council of Victoria
at President ng FILCAA Magandang araw sa iyo, Ms.
Roxanne. Magandang araw. Good to see you here. Oo.
Malaking bagay po nakikita ko yung mga kapwa-Pinoy
sa mga ganitong conference. Iyon yung first
question ko siguro, Ms. Roxanne. Number one, ano
yung kahalagahan ng mga representasyon ng mga
Filipino communities sa mga ganitong klase ng
health conferences? Ay naku, importante yan, TJ We
have to get our voice heard. We have to
participate. If we want to be part of this broader
community, we have to be here. And we have to
contribute. Tsaka marami rin tayong natututunan.
Okay? We are focusing on multiculturalism,
learning from other cultures, learning from other
practices. So dapat, we're part of this
conversation and discussion. Mm, mm.
Kayo po ay bahagi ng ibat ibang klase ng issues
hinid lang sa Filipino community
pero focus tayo sa Filipino community Ano ang mga
issue nais ninyong matalakay sa bahagi ng FCCVI?
Ang focus natin dito ngayon is about aged care.
Ang paper na sinabnit namin, we're so lucky and
we're so grateful na napili ng FECA to present our
paper. We're talking about our elderly and the
lack of data regarding our elderly. So we're
talking about culturally appropriate care for our
elders. November 1, na-roll out ang support at
home. Yan ang biggest reform in aged care. So for
our community, that has a lot of significance. So
it's important kasi our community, not just our
community, the whole of Australia is an aging
population. So we have to be on top of these
things. And there is a gap with data. Especially
in our own specific communities, the Filipino
community. Kailangan natin ang data to support how
we can deliver culturally appropriate aged care.
And we need co-design and co-creation with our
community to deliver that. And then from that, we
can bring that to our stakeholders and show them
how to look after us well. Puntahan ko yung data
muna. Gawin nating layman's term kasi ito yung
datos na specific sa isang bagay. Ano po yung mga
datos na kailangan para mas maintindihan yung mga
aging population, lalo na yung Filipino community?
Ang datos natin yung mga lenguahe natin. Ilang
languages ba? Ano ba ang kailangan natin pagdating
sa mga translation? That is one of the key things
that the multicultural is now considering about
languages. Kasi yan, communication yan. So we need
to bridge the gap around that. Kasi yan ang
umpisa. When I cannot talk to you and you cannot
understand me, Everything is tossed. Ang data pa
na kailangan natin, ilan ba? Gender wise, babae,
lalaki, sa ages, ilan ba ang dementia sufferers?
So there's a lot of data we really need to
collect. Yung preferences din ang ating matatanda
in their particular care. So yun ang malawak ang
data na kailangan natin. yung masusing pag-alam at
pagkilates ng data, ang magbibigay sa atin ang
kaalaman paano natin i-deliver yung appropriate
care na hinihingi ng ating mga matatanda. Maganda
po yung nabanggit nyo yung preference. Kasi meron
dito nababanggit yung age care, may respite care,
may home care. At yung mga unang, yung mga wala pa
man doon sa edad na yun, parang yung iba po, may
mga nakakapanayam tayo na ayaw mag-retire na sa
Australia, natatakot dahil baka abandonhin na
lamang ng kanilang pamilya. Yung mga ganito pong
fears, paano naman maipaparating din ng mga
kababayan natin na ito yung gusto namin mangyari
para sa aged care. Halimbawa, ako ordinaryong
mamamayan at may grantes sa Australia na para
maipadala namin sa inyo yung mga ganitong klase ng
concern din. Well, sa FCCVI, we have a Kapihan sa
Hub. And every Monday yan, after our food bank or
our food relief program, inibidahan namin yung mga
matatandaan sa community natin. So sa Kapihan sa
Hub doon, meron kaming mga case managers,
pinag-uusapan namin yung mga pangakailangan nila,
kamusta sila sa bahay. So we tailor it to their
needs. Tita, ano bang importante sa'yo? Gusto mong
gawin during the week. Ano bang what makes you
happy. And also tita or tito, kasi ang matatanda
natin as they grow older, they feel isolated. So
it's important to us to connect. So yung data na
yun, although it's not official data, but it's
data that we get from the voices of our people,
our community that we have. Oo, nabanggit niyo
yung isolation sa mga laking baki. So kahit na
nabanggit natin yung data, yung datos, ngayon
naman yung co-design na binanggit niyo. Ano'ng
mangyayari ito? Ano yung co-design? Paanong
gagamitin yung datos na ito? Para magkaroon ba ito
ng pulisiya? I-recommend ba ito saan? Ano pong
mangyayari? Ang importante kasi sa datos, kasi
minsan ang naririnig lang na boses yung
pinakamalakas. Sometimes, sampung tao, isa lang
magsalita, akala mo yun na. That's the voice of
truth. So, importante talaga na mayroon tayong
datos at malaman natin out of the 10 or out of the
100 or out of the 200, ilang ba yung nagsasabi ng
pare-pareho na boses? Ilang ba nagsasabi na gusto
nila tumira sa kanilang sariling bahay? Gusto nila
umuwi sa Pilipinas? Gusto nila na Pumunta na sa
aged care. And then pag nalaman natin kung ilan,
quantifiable. And then we design pathways to give
them the life that they choose. So, yung iba na
gusto talaga sa residential, how do we actually
address that? Yung gusto na mag-stay pa sa bahay
nila nang mas matagal, marami actually sa atin mas
gusto mag-stay sa bahay. Yung home care na
tinatawag. Yun ang specialization ng FCCVI, yung
home care. We try to help our community live at
home longer. Kasi they feel safe there. They feel
familiar there. Tsaka, andun yung pinagpundaran
nila. Habang bata pa sila hanggang tumanda. Doon
sila babalikan ng pamilya nila. Opo, isa yan sa
mga parang common sa atin, sa ating kultura.
Parang panguli na lang sa iyo, Ms. Roxanne, ngayon
na lang sa isang conference, ano naman yung
ine-expect mo na takeaway dito? O ano yung pwedeng
mangyari lalo na pag naka-attend kayo ng mga
ganitong conference o maging naging bahagi kayo
para makatulong pa sa mga issues ng community,
especially sa health? Well, dito kasi nakikita mo
at naririnig mo yung boses ng hindi lang ng
Filipino community. Nakikita natin yung boses at
saka mga pinagdadaanan ng other communities. So,
first and foremost, nakikita natin na hindi lang
sa atin nangyayari yun. Nangyayari yun din sa
ibang communities. And then, what we can do from
there is to collaborate with these communities. so
that we can actually come together and go to our
stakeholders and ask for help. Hindi lang kami to,
hindi lang kami nag-iisa. Actually, itong
nararanasan ng karamihan sa atin. So, mas
makikinig sila kasi mas nakararami tayo. And on
our part as well, yung mga natututunan natin dito,
pwede natin ibalik sa communities natin yung best
practices ng other communities. Paano nila alagaan
ang mga matatanda, paano sila makapag-interact sa
community. So, marami tayong matututunan na pwede
natin ibalik sa ating community. And marami rin
tayong pwede ibigay sa kanila. Kasi syempre, dun
sa mga karanasan natin, natututo rin sila. It's
the exchange of ideas. We're richer together. And
our knowledge has expanded together. And when we
collaborate, we can make waves and make a huge
difference in our community. Ako, ang napakaganda
ng kolaborasyon sa iba't ibang wave. Maraming
maraming salamat, Ms. Roxanne Sarthou ng FCCVI.
Thank you. Thank you sa pagkakataon, TJ
END OF TRANSCRIPT